-
Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang SariliHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
-
-
19, 20. Anong mga bagay ang naalaala ng mga Judio, at bakit?
19 Sa gitna ng kanilang kapighatian, naudyukan ang ilang Judio na balikan ang nakaraan. Sinabi ni Isaias: “Ang isa ay nagsimulang makaalaala sa mga araw noong sinaunang panahon, si Moises na kaniyang lingkod: ‘Nasaan ang Isa na nag-ahon sa kanila mula sa dagat kasama ng mga pastol ng kaniyang kawan? Nasaan ang Isa na naglagay sa kaniya ng Kaniyang banal na espiritu? Ang Isa na nag-uunat ng Kaniyang magandang bisig sa kanang kamay ni Moises; ang Isa na humahati sa tubig mula sa harap nila upang gumawa ng isang pangalang namamalagi nang walang takda para sa kaniyang sarili; ang Isa na pumapatnubay sa kanila sa dumadaluyong na tubig anupat gaya ng isang kabayo sa ilang ay hindi sila natisod? Gaya ng paglusong ng isang hayop sa kapatagang libis, pinagpahinga sila ng mismong espiritu ni Jehova.’ ”—Isaias 63:11-14a.d
20 Oo, dahil pinagdurusahan nila ang mga bunga ng pagsuway, pinanabikan ng mga Judio ang mga araw noong si Jehova ay kanilang Tagapagligtas sa halip na kanilang kaaway. Nagunita nila kung paano sila ligtas na pinatnubayan ng kanilang “mga pastol,” sina Moises at Aaron, sa pagtawid sa Dagat na Pula. (Awit 77:20; Isaias 51:10) Nagunita nila ang isang panahon na sa halip na pagdamdamin ang espiritu ng Diyos, sila’y inakay nito sa pamamagitan ng patnubay na ibinigay ni Moises at ng iba pang hinirang-ng-espiritung matatandang lalaki. (Bilang 11:16, 17) Naalaala rin nila na kanilang nakita ang “magandang bisig” ng kalakasan ni Jehova na ginagamit alang-alang sa kanila sa pamamagitan ni Moises! Nang maglaon, inilabas sila ng Diyos mula sa malaki at kakila-kilabot na ilang at inakay sila patungo sa isang lupain na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan—isang dako ng kapahingahan. (Deuteronomio 1:19; Josue 5:6; 22:4) Subalit ngayon, ang mga Israelita ay nagdurusa dahil naiwala nila ang kanilang mabuting kaugnayan sa Diyos!
-
-
Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang SariliHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
-
-
d Ang talatang ito ay maaari ring pasimulan nang ganito: “Siya ay nagsimulang makaalaala.” (Isaias 63:11, talababa sa Ingles) Subalit hindi naman ito nangangahulugan na si Jehova na nga ang isa na nakaaalaala. Ang sumunod na mga salita ay naghahayag ng damdamin ng bayan ng Diyos at hindi ng damdamin ni Jehova mismo. Kaya naman ganito ang salin ng Soncino Books of the Bible sa mga salitang ito: “Sa gayon ay naalaala ng Kaniyang bayan ang mga araw noong sinauna.”
-