-
8B Tatlong Hula Tungkol sa MesiyasIbinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
1. “Ang Isa na May Legal na Karapatan” (Ezekiel 21:25-27)
PANAHON NG MGA GENTIL (607 B.C.E.–1914 C.E.)
607 B.C.E.—Inalis sa trono si Zedekias
1914 C.E.—Iniluklok bilang Hari si Jesus, ang “may legal na karapatan” sa Mesiyanikong Kaharian, at naging Pastol na Tagapamahala
-
-
“Maglalaan Ako . . . ng Isang Pastol”Ibinalik ang Dalisay na Pagsamba kay Jehova
-
-
14 Ang katuparan ng hula. Ibinaba ang “mataas” na kaharian ng Juda, na ang sentro ay ang lunsod ng Jerusalem, nang wasakin ng mga Babilonyo ang lunsod noong 607 B.C.E. at dalhing bihag ang inalis na haring si Zedekias. Pagkatapos, noong walang namamahalang hari sa Jerusalem mula sa angkan ni David, itinaas ang ‘mababang’ mga kapangyarihang Gentil at pansamantalang kinontrol ng mga ito ang lupa. Ang Panahon ng mga Gentil, o ang “mga takdang panahon ng mga bansa,” ay nagwakas noong 1914 nang ibigay ni Jehova kay Jesu-Kristo ang pamamahala. (Luc. 21:24) Bilang inapo ni Haring David, talagang “may legal na karapatan” si Jesus sa Mesiyanikong Kaharian.b (Gen. 49:10) Kaya sa pamamagitan ni Jesus, tinupad ni Jehova ang pangako niyang bibigyan si David ng isang permanenteng tagapagmana para sa Kahariang mananatili magpakailanman.—Luc. 1:32, 33.
15. Bakit lubos tayong makapagtitiwala sa Haring si Jesu-Kristo?
15 Ang matututuhan natin sa hula. Lubos tayong makapagtitiwala sa Haring si Jesu-Kristo. Bakit? Dahil di-gaya ng mga tagapamahala sa mundo na ibinoboto ng mga tao o nang-aagaw ng pamamahala, si Jesus ay pinili ni Jehova at “binigyan . . . ng isang kaharian” na may karapatan siyang pamahalaan. (Dan. 7:13, 14) Tiyak na karapat-dapat sa ating tiwala ang Hari na si Jehova mismo ang pumili!
-