APRA
[malamang, Alabok].
Isang lugar na binanggit ni Mikas (1:10) anupat lumilitaw na ito’y nasa Sepela o nasa Kapatagan ng Filistia, batay sa iba pang mga bayan na binanggit sa konteksto. Maliwanag na gumamit si Mikas ng magkatunog na mga salita nang sabihin niya: “Sa bahay ng Apra [sa Heb., ʽAph·rahʹ] ay gumumon ka sa mismong alabok [sa Heb., ʽa·pharʹ].”