-
Nauunawaan Niya ang Nadarama Nating KirotAng Bantayan—2008 | Mayo 1
-
-
Nang maagang mamatay ang kaibigan ni Jesus na si Lazaro, pumunta si Jesus sa nayon ni Lazaro. Hindi kataka-taka na labis ang pamimighati ng mga kapatid ni Lazaro na sina Maria at Marta. Mahal na mahal ni Jesus ang pamilyang ito. (Juan 11:5) Kaya ano ang gagawin niya? Sinasabi ng ulat: “Si Jesus, nang makita niyang tumatangis siya [si Maria] at tumatangis ang mga Judio na sumama sa kaniya, ay dumaing sa espiritu at nabagabag; at sinabi niya: ‘Saan ninyo siya inilagay?’ Sinabi nila sa kaniya: ‘Panginoon, halika at tingnan mo.’ Si Jesus ay lumuha.” (Juan 11:33-35) Bakit lumuha si Jesus? Totoong patay na ang mahal niyang kaibigang si Lazaro, pero bubuhayin naman siyang muli ni Jesus. (Juan 11:41-44) Mayroon pa bang ibang bagay na nakaantig sa damdamin ni Jesus?
Tingnan muli ang mga siniping pananalita sa itaas. Pansinin na nang makita ni Jesus si Maria at ang kaniyang mga kasama na tumatangis o umiiyak, siya ay “dumaing” at “nabagabag.” Ang orihinal na mga salitang ginamit dito ay nagpapahiwatig ng matinding damdamin.a Naapektuhan nang husto si Jesus sa kaniyang nakita. Kitang-kita ang matinding emosyong nadama ni Jesus nang siya ay lumuha. Maliwanag na naaapektuhan si Jesus ng kirot na nadarama ng iba. Nasubukan mo na bang mapaluha dahil nakita mong umiiyak ang isang mahal mo sa buhay?—Roma 12:15.
-
-
Nauunawaan Niya ang Nadarama Nating KirotAng Bantayan—2008 | Mayo 1
-
-
a Ang salitang Griego na isinaling “lumuha” ay madalas na tumutukoy sa “pag-iyak nang tahimik,” samantalang ang salitang ginamit para ilarawan ang pag-iyak ni Maria at ng iba pa ay maaaring mangahulugang “malakas na pag-iyak, paghagulhol.”
-