-
“Ang Pinakadakila sa mga Ito ay ang Pag-ibig”Ang Bantayan—1990 | Nobyembre 15
-
-
“Ang Pinakadakila sa mga Ito ay ang Pag-ibig”
“Datapuwat ngayon, nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.”—1 CORINTO 13:13.
1. Ano ang sinabi ng isang antropologo kung tungkol sa pag-ibig?
ISA sa pinakapangunahing antropologo ng daigdig ay nagsabi minsan: “Ating naunawaan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating mga uri na ang pinakamahalaga sa lahat ng saligang sikolohikal na pangangailangan ng tao ay ang pangangailangan ng pag-ibig. Ito ang sentro ng lahat ng mga pangangailangan ng tao kung papaanong ang ating araw ay nasa sentro ng ating sistema solar na iniikutan ng mga planeta sa palibot nito. . . . Ang bata na hindi minahal ay sa kaparaanang biokemikal, pisyolohikal, at sikolohikal ay ibang-iba sa isa na minahal. Ang una ay lumalaki na naiiba rito sa huli. Alam natin ngayon na ang tao ay isinisilang upang mabuhay na para bagang ang mabuhay at umibig ay iisa. Kung sa bagay, ito ay hindi na bago. Ito ay isang katunayan ng Sermon sa Bundok.”
2. (a) Papaano ipinakita ni apostol Pablo ang kahalagahan ng pag-ibig? (b) Anong mga tanong ngayon ang mabuting isaalang-alang?
2 Oo, gaya ng sinabi ng taong ito na may makasanlibutang karunungan, ang katotohanang ito tungkol sa kahalagahan ng pag-ibig sa kabutihan ng tao ay hindi isang bagay na bago. Maaaring ngayon lamang ito naunawaan ng marurunong na mga tao ng sanlibutan, ngunit ito’y nasa Salita ng Diyos mahigit na 19 na siglo na ang nakalipas. Kaya naman si apostol Pablo ay sumulat: “Datapuwat ngayon, nananatili ang pananampalataya, pag-asa, pag-ibig, ang tatlong ito; ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.” (1 Corinto 13:13) Alam mo ba kung bakit ang pag-ibig ay lalong dakila kaysa pananampalataya at pag-asa? Bakit masasabi na ang pag-ibig ang pinakadakila sa mga katangian ng Diyos at sa mga bunga ng kaniyang espiritu?
-
-
“Ang Pinakadakila sa mga Ito ay ang Pag-ibig”Ang Bantayan—1990 | Nobyembre 15
-
-
7. Ano ang sariling katangian ng a·gaʹpe, at papaano ipinakikita ang pag-ibig na ito?
7 Anong salitang Griego ang ginamit ni Pablo sa 1 Corinto 13:13, na kung saan kaniyang binanggit ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig at sinabing “ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig”? Dito ang salita ay a·gaʹpe, na iyon ding ginamit ni apostol Juan nang kaniyang sabihin: “Ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8, 16) Ito ay isang pag-ibig na simulain ang umaakay o umuugit. Ito’y maaaring may kasama o walang kasamang pagmamahal at pagkahilig, ngunit iyon ay isang walang-imbot na emosyon o damdaming nakaukol sa paggawa ng mabuti sa iba ano man ang kabutihang dulot sa tatanggap o ano man ang mapapakinabang ng nagbibigay. Ang ganitong uring pag-ibig ang nag-udyok sa Diyos na ibigay ang pinakamamahal na kayamanan ng kaniyang puso, ang kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo, “upang ang bawat nagsasagawa ng pananampalataya sa kaniya ay huwag mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.” (Juan 3:16) Gaya ng mainam na pagpapaalaala sa atin ni Pablo: “Bahagya nang ang sinuman ay mamamatay alang-alang sa isang taong matuwid; sa katunayan, alang-alang sa isang mabuting tao marahil ay may mangangahas na mamatay. Subalit ipinadarama ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin sa paraan na, samantalang mga makasalanan pa tayo noon, si Kristo ay namatay alang-alang sa atin.” (Roma 5:7, 8) Oo, ang a·gaʹpe ay gumagawa ng kabutihan sa iba ano man ang kanilang kalagayan sa buhay o ang magugugol ng isa na nagpapahayag ng pag-ibig.
Bakit Lalong Dakila Kaysa Pananampalataya at Pag-asa?
8. Bakit ang a·gaʹpe ay lalong dakila kaysa pananampalataya?
8 Ngunit bakit sinabi ni Pablo na ang ganitong uri ng pag-ibig (a·gaʹpe) ay lalong dakila kaysa pananampalataya? Siya’y sumulat sa 1 Corinto 13:2: “Kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula at maalaman ko ang lahat ng banal na lihim at lahat ng kaalaman, at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya na anupa’t mapalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan.” (Ihambing ang Mateo 17:20.) Oo, kung ang ating pagsisikap na magkaroon ng kaalaman at lumago sa pananampalataya ay ginagawa nang may masamang layunin, ito’y hindi magdadala sa atin ng kapakinabangan buhat sa Diyos. Gayundin, ipinakita ni Jesus na ang iba ay ‘manghuhula sa kaniyang pangalan, magpapalabas ng mga demonyo sa kaniyang pangalan, at gagawa ng maraming makapangyarihang mga gawa sa kaniyang pangalan’ ngunit hindi niya sasang-ayunan.—Mateo 7:22, 23.
9. Bakit ang pag-ibig ay lalong dakila kaysa pag-asa?
9 Bakit ang uring a·gaʹpe ng pag-ibig ay lalong dakila rin kaysa pag-asa? Sapagkat ang pag-asa ay maaaring nakasentro sa sarili, ang isang tao’y maaaring ang unang-unang iniisip ay ang mga kapakinabangan sa kaniyang sarili, samantalang ang pag-ibig ay “hindi hinahanap ang sariling kapakanan.” (1 Corinto 13:4, 5) Isa pa, ang pag-asa—tulad baga niyaong pagkaligtas sa “malaking kapighatian” tungo sa bagong sanlibutan—ay natatapos pagka ang inaasahan ay natupad na. (Mateo 24:21) Gaya ng sinasabi ni Pablo: “Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito; datapuwat ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-asa, sapagkat pagka nakikita ng isang tao ang isang bagay, inaasahan pa ba niya iyon? Subalit kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, patuloy na hinihintay natin iyon na may pagtitiis.” (Roma 8:24, 25) Ang pag-ibig mismo ay nagtitiis ng lahat ng bagay, at ito’y hindi nagkukulang kailanman. (1 Corinto 13:7, 8) Sa gayon, ang walang-imbot na pag-ibig (a·gaʹpe) ay lalong dakila kaysa alinman sa pananampalataya o pag-asa.
-