-
EspirituNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
ng sinabi ni Jesus bago siya nalagutan ng hininga? Sinasabi niya na, pagkamatay niya, ang pag-asa niyang mabuhay muli ay lubusang nasasalalay sa Diyos. Ukol sa karagdagang mga komento tungkol sa ‘espiritung nagbabalik sa Diyos,’ tingnan ang pahina 103, sa paksang “Kaluluwa.”)
Kung May Magsasabi—
‘Taglay ba ninyo ang banal na espiritu (o ang Holy Ghost)?’
Maaari kayong sumagot: ‘Opo, at iyan ang dahilan kung bakit ako’y dumalaw sa inyo ngayon. (Gawa 2:17, 18)’
O maaari ninyong sabihin: ‘Iyan po ang nagpangyari sa aking makibahagi sa ministeryong Kristiyano. Nguni’t napansin ko na may iba’t ibang ideya kung paano malalaman na ang isa ay talagang may espiritu ng Diyos. Ano po naman ang ideya ninyo?’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: (Pagtalakay sa materyal sa mga pahina 159, 160.)
-
-
Espiritu ng SanlibutanNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Espiritu ng Sanlibutan
Kahulugan: Ang humihikayat na puwersa na nagpapakilos sa lipunan ng mga taong hindi lingkod ng Diyos na Jehova, na nagpapangyaring salitain at gawin ng mga taong ito ang ayon sa isang tiyak na kinagawian. Bagama’t kumikilos ang mga tao batay sa personal na mga hilig, yaong mga nagpapamalas ng espiritu ng sanlibutan ay kakikitaan ng ilang mga saloobin, mga pamamaraan, at mga tunguhin sa buhay na siyang karaniwan sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na si Satanas ang tagapamahala at diyos.
Bakit dapat ikabahala kapag ang isa’y nabahiran ng espiritu ng sanlibutan?
1 Juan 5:19: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan ng balakyot na isa.” (Pinaunlad ni Satanas ang isang espiritu na nangingibabaw sa kaisipan at sa mga kilos niyaong mga taong hindi sinang-ayunang mga lingkod ni Jehova. Ito’y espiritu ng kaimbutan at pagmamataas na naging totoong laganap anupa’t maihalintulad ito sa hangin na nilalanghap ng mga tao. Kailangang mag-ingat tayong mabuti upang huwag mapailalim sa kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa espiritung iyan na hubugin ang ating buhay.)
Apoc. 12:9: “Inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong tinatahanang lupa; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” (Mula nang mangyari ito, pagkaraang isilang ang Kaharian noong 1914, lalong sumidhi ang impluwensiya ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo sa sangkatauhan. Ang kaniyang espiritu ay nagbubunsod sa mga tao na gumawa ng higit at higit na kaimbutan at karahasan. Ang mga nagsisikap na maglingkod kay Jehova ang siyang pangunahing ginigipit upang maging bahagi ng sanlibutan, upang gumaya sa iba, at upang tumalikod sa tunay na pagsamba.)
Anu-ano ang ilan sa mga katangian ng espiritu ng sanlibutan na dapat nating pag-ingatan?
1 Cor. 2:12: “Ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanlibutan, kundi ang espiritung mula sa Diyos, upang ating makilala ang mga bagay na malugod na ibinigay sa atin ng Diyos.” (Kapag naitanim ang espiritu ng sanlibutan sa isip at puso ng isang tao, makikita kaagad ang bunga nito sa mga pagkilos na nagpapaaninaw sa espiritung iyon. Kaya, ang paglaya sa espiritu ng sanlibutan ay hindi lamang humihiling ng pag-iwas sa di-Kristiyanong mga gawain at kalabisan kundi pati na rin ng paglinang ng saloobin na kaayon ng espiritu ng Diyos at ng tunay na pag-ibig sa kaniyang mga daan. Dapat ninyong pag-isipan ito samantalang isinasaalang-alang ang sumusunod na mga kapahayagan ng espiritu ng sanlibutan.)
Paggawa ng isang tao ng anomang gusto niyang gawin, na hindi inaalintana ang kalooban ng Diyos
Hinimok ni Satanas si Eba na magpasiya sa kaniyang sarili kung ano ang mabuti at masama. (Gen. 3:3-5; bilang kabaligtaran tingnan ang Kawikaan 3:5, 6.) Marami sa mga sumusunod sa landasin ni Eba ay walang kabatiran sa kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan, ni wala silang interes doon. Basta “ginagawa nila ang gusto nila,” ayon sa kanila. Yaong mga nakakakilala sa mga kahilingan ng Diyos at nagsisikap na mamuhay ayon sa mga ito ay kailangang mag-ingat na huwag silang mahikayat ng espiritu ng sanlibutan na kusang lumabag sa payo ng Salita ng Diyos kahit sa naituturing nilang “maliit na mga bagay.”—Luc. 16:10; tingnan din ang “Pagsasarili.”
Pagtugon sa mga situwasyon na may pagmamataas
Si Satanas ang unang nagpasamâ ng kaniyang puso dahil sa labis na pagpapahalaga sa sarili. (Ihambing ang Ezekiel 28:17; Kawikaan 16:5.) Ang pagmamataas ay isang bumabahaging puwersa sa sanlibutang pinamamahalaan niya, na nagpapangyaring isipin ng iba na sila’y mas mabuti kaysa mga tao sa ibang lahi, bansa, wika, at katayuan sa buhay. Baka kailangang alisin ang bakas ng gayong damdamin kahit niyaong mga naglilingkod sa Diyos. Sila man ay kailangang mag-ingat na hindi sila mahikayat ng pagmamataas na gawin nilang malaking isyu ang maliliit na bagay, o ito’y maging hadlang sa pag-amin ng kanilang sariling mga pagkukulang at pagtanggap ng payo upang makinabang sa maibiging tulong na inilalaan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon.—Roma 12:3; 1 Ped. 5:5.
Pagpapakita ng mapaghimagsik na saloobin sa awtoridad
Ang paghihimagsik ay pinasimulan ni Satanas, na ang pangalan ay nangangahulugang “Kalaban.” Dahil sa kaniyang paglaban kay Jehova, si Nimrod, na ang pangalan ay maaaring mangahulugan na “Maghimagsik Tayo,” ay nagpakita na siya’y isang anak ni Satanas. Ang pag-iwas sa espiritung iyon ay tutulong sa mga may takot sa Diyos na huwag lumaban sa mga sekular na tagapamahala. (Roma 13:1); tutulong ito sa mga kabataan na magpasakop sa bigay-Diyos na awtoridad ng kanilang mga magulang (Col. 3:20); titiyakin nito na hindi natin aayunan ang mga apostata, na hindi gumagalang sa mga pinagkatiwalaan ni Jehova ng pananagutan sa kaniyang nakikitang organisasyon.—Jud. 11; Heb. 13:17.
Pagpapakalayaw sa mga pita ng makasalanang laman
Saanman ay makikita at maririnig natin ang impluwensiya nito. Laging kailangan itong pag-ingatan. (1 Juan 2:16; Efe. 4:17, 19; Gal. 5:19-21) Ang mga kaisipan at hangarin na maaaring umakay sa higit na maselang na anyo nito ay mapapansin sa pakikipag-usap ng isa, sa paraan niya ng pagbibiro, sa mga liriks ng musikang pinakikinggan niya, sa uri ng pagsasayaw na nagugustuhan niya, o sa panonood ng mga palabas na nagtatampok ng imoralidad. Ang katangiang ito ng espiritu ng sanlibutan ay makikita sa pag-abuso sa droga, paglalasing, pangangalunya, pakikiapid, at homoseksuwalidad. Makikita rin ito kapag ang isa’y legal na nakikipagdiborsiyo sa kaniyang asawa at nag-aasawa ng iba, samantalang walang maka-Kasulatang saligan ukol dito.—Mal. 2:16.
Pagpapahintulot ng isa na ang buhay ay mapangibabawan ng pagnanais na makamtan ang mga bagay na nakikita niya
Ang gayong pagnanais ay pinukaw ni Satanas kay Eba, at hinikayat niyang gawin ang isang bagay na nakasira sa kaniyang kaugnayan sa Diyos. (Gen. 3:6; 1 Juan 2:16) Buong higpit na tinanggihan ni Jesus ang gayong tukso. (Mat. 4:8-10) Yaong mga nagnanais na makalugod kay Jehova ay kailangang mag-ingat upang huwag silang mahawa ng gayong espiritu dahil sa komersiyalismo ng sanlibutan. Malaking hinagpis at espirituwal na kapinsalaan ang dinadanas niyaong mga nasisilo nito.—Mat. 13:22; 1 Tim. 6:7-10.
Pagpapasikat dahil sa mga tinatangkilik at di-umano’y tagumpay na nakamit ng isa
Ang paggawing ito ay “sa sanlibutan” din at kailangang iwaksi ng mga nagiging lingkod ng Diyos. (1 Juan 2:16) Nag-uugat ito sa pagmamataas, at sa halip na patibayin ang iba sa espirituwal, sila’y ibinubuyo nito tungo sa paghahangad na umunlad sa materyal at asamin ang makasanlibutang pagsulong.—Roma 15:2.
Pagbubulalas ng damdamin sa pamamagitan ng mapanlait na pananalita at marahas na mga pagkilos
Ang mga ito’y “mga gawa ng laman” na pinaglalabanan ng maraming tao. Sa tulong ng tunay na pananampalataya at ng espiritu ng Diyos ay maaari nilang daigin ang sanlibutan sa halip na sila ang daigin ng espiritu nito.—Gal. 5:19, 20, 22, 23; Efe. 4:31; 1 Cor. 13:4-8; 1 Juan 5:4.
Paglalagak ng pag-asa at pagkakaroon ng takot sa nagagawa ng mga tao
Ang itinuturing na mahalaga ng isang pisikal na tao ay yaon lamang kaniyang nakikita at nahihipo. Ang kaniyang mga inaasahan at kinatatakutan ay ang mga pangako at pagbabanta ng ibang mga tao. Umaasa siya sa mga pinuno ukol sa tulong at nasisiphayo siya kapag sila’y nabigo. (Awit 146:3, 4; Isa. 8:12, 13) Sa kaniya, ganito na lamang ang buhay. Madali siyang mabihag ng mga banta ng kamatayan. (Bilang kabaligtaran, tingnan ang Mateo 10:28; Hebreo 2:14, 15.) Nguni’t isang bagong puwersa ang nagpapakilos sa kaisipan ng mga nakakakilala kay Jehova, na ang isip at puso ay pinupuno ng kaniyang mga pangako at sa kaniya humihingi ng tulong sa bawa’t pangangailangan.—Efe. 4:23, 24; Awit 46:1; 68:19.
Pag-uukol sa mga tao at mga bagay ng pagsambang nararapat iukol lamang sa Diyos
“Ang diyos ng pamamalakad na ito ng mga bagay,” si Satanas na Diyablo, ay nagpapangyari ng iba’t ibang pamamaraan upang iligaw ang bigay-Diyos na hilig ng mga tao na sumamba. (2 Cor. 4:4) May mga tagapamahala na itinuring na diyos. (Gawa 12:21-23) Angaw-angaw ang yumuyukod sa mga idolo. Dinidiyos ng angaw-angaw pa ang mga artista at tanyag na mga manlalaro. Madalas na sa mga pagdiriwang ay pinag-uukulan ng labis na pagdangal ang indibiduwal na mga tao. Totoong laganap ang espiritung ito anupa’t kailangang maging mapagbantay araw-araw sa impluwensiya nito ang mga tunay na umiibig kay Jehova at nagnanais mag-ukol sa kaniya ng bukod-tanging pagsamba.
-
-
HulaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Hula
Kahulugan: Isang kinasihang mensahe; isang kapahayagan ng banal na kalooban at layunin. Ang hula ay maaaring maging isang prediksiyon ng bagay na darating, isang kinasihang aral tungkol sa moral, o isang kapahayagan ng isang banal na kautusan o kahatulan.
Alin sa mga hulang nakaulat sa Bibliya ang natupad na?
Para sa ilang halimbawa, tingnan ang mga paksang “Bibliya,” “Mga Huling Araw,” at “Mga Petsa,” gayundin ang aklat na “All Scripture Is Inspired of God and Beneficial,” mga pahina 343-346.
Ano ang ilan sa pangunahing mga hula ng Bibliya na matutupad pa?
1 Tes. 5:3: “Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ kung magkagayo’y darating sa kanila ang biglang pagkawasak na gaya ng pagdaramdam ng isang babaing nagdadalang-tao; at hindi sila makatakas sa anomang paraan.”
Apoc. 17:16: “Ang sampung sungay na iyong nakita, at ang mabangis na hayop, ay siyang mapopoot sa patutot [Babilonyang Dakila] at siya’y pagluluray-lurayin at huhubaran, at kakainin ang kaniyang laman at siya’y lubos na susupukin ng apoy.”
Ezek. 38:14-19: “Sabihin mo kay Gog, ‘Ganito ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Sa araw na ang aking bayang [espirituwal na] Israel ay tatahang tiwasay, hindi mo baga malalaman? At ikaw ay darating na mula sa iyong dako, mula sa kaduluduluhang bahagi ng hilagaan, ikaw at ang maraming tao na kasama mo . . . ” “At mangyayari sa araw na yaon, pagka si
-