Awit 105
Kalangitan—Lumuluwalhati sa Diyos
Printed Edition
(Awit 19)
1. Ang langit ay kay Jah lumul’walhati.
Gawa ng kamay niya ating nakikita.
Bawat araw ay pinupuri siya.
Mga bituin nagtatanghal Kadakilaan niya.
2. Batas ng Diyos nagbibigay ng buhay,
Paalaala niya sa atin ay gabay.
Tuntunin niya’y totoo at matwid.
Salita niya, O kaytamis, Tapat at dalisay.
3. Walang hanggan ang takot kay Jehova.
Kanyang mga utos lubhang mahalaga.
Nag-iingat ng matwid sa kanya.
Purihin at itaguyod Banal na ngalan niya.
(Tingnan din ang Awit 111:9; 145:5; Apoc. 4:11.)