PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maging Isang Bihasang Manggagawa
Alam na alam ng isang bihasang karpintero kung paano niya gagamitin ang kaniyang kagamitan. Sa katulad na paraan, alam ng “isang manggagawa na walang ikinahihiya” kung paano niya gagamitin ang mga publikasyon na nasa Toolbox sa Pagtuturo. (2Ti 2:15) Sagutin ang sumusunod na mga tanong at suriin ang sarili kung gaano ka kapamilyar sa ating Toolbox sa Pagtuturo.
MAKINIG SA DIYOS AT MABUHAY MAGPAKAILANMAN
Para kanino dinisenyo ang publikasyong ito?—mwb17.03 5 ¶1-2
Paano mo ito gagamitin sa pagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya?—km 7/12 3 ¶6
Ano pang publikasyon ang kailangan mo para maihanda ang iyong estudyante sa bautismo?—km 7/12 3 ¶7
MAGANDANG BALITA MULA SA DIYOS!
Paano ito naiiba sa mga publikasyong ginagamit sa pag-aaral sa Bibliya?—km 3/13 5 ¶3-5
Ano ang dapat mong gawin kapag iniaalok ito?—km 9/15 3 ¶1
Paano ka magdaraos ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang publikasyong ito?—mwb16.01 8
Kailan mo puwedeng ilipat ang pag-aaral sa aklat na Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?—km 3/13 7 ¶10
ANO ANG ITINUTURO SA ATIN NG BIBLIYA?
Paano mo dapat gamitin ang mga sumaryo ng kabanata at ang karagdagang impormasyon?—mwb16.11 5 ¶2-3
SINO ANG GUMAGAWA NG KALOOBAN NI JEHOVA NGAYON?
Kailan mo dapat gamitin ang publikasyong ito?—mwb17.03 8 ¶1
Paano mo ito dapat gamitin?—mwb17.03 8, kahon