PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Walang Nasayang
Matapos pakainin ni Jesus sa makahimalang paraan ang 5,000 lalaki bukod pa sa mga babae at mga bata, iniutos niya sa kaniyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang mga natirang pira-piraso, upang walang masayang.” (Ju 6:12) Hindi inaksaya ni Jesus ang paglalaan ni Jehova dahil may pagpapahalaga siya rito.
Sa ngayon, sinisikap ng Lupong Tagapamahala na tularan si Jesus sa pamamagitan ng matalinong paggamit sa nakaalay na pondo. Halimbawa, noong itinatayo ang pandaigdig na punong-tanggapan sa Warwick, New York, pinili ng mga brother ang mga disenyo kung saan magagamit ang donasyon sa pinakamahusay na paraan.
PAANO NATIN MAIIWASAN ANG PAG-AAKSAYA . . .
kapag nasa pulong?
kapag kumukuha ng personal na kopya ng mga publikasyon? (km 5/09 3 ¶4)
kapag kumukuha ng literatura para sa ministeryo? (mwb17.02 “Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya” ¶1)
kapag nasa ministeryo? (mwb17.02 “Maging Matalino sa Paggamit ng mga Literatura sa Bibliya” ¶2 at ang kahon)