AWIT 80
Tikman at Tingnan ang Kabutihan ni Jehova
Printed Edition
1. Ang maglingkod kay Jehova,
Isang pribilehiyo sa ’tin.
Oras at lakas ay handog natin,
Marami pa ang gawain.
(KORO)
Ating tikman at tingnan ngayon
Ang kabutihan ni Jah.
May gantimpala ’pag ’binigay
Ang buong makakaya.
2. Buong-panahong lingkod niya,
Saganang pinagpapala.
Nagtitiwalang Diyos maglalaan,
Kontento at maligaya.
(KORO)
Ating tikman at tingnan ngayon
Ang kabutihan ni Jah.
May gantimpala ’pag ’binigay
Ang buong makakaya.
(Tingnan din ang Mar. 14:8; Luc. 21:2; 1 Tim. 1:12; 6:6.)