Saan Nanggagaling ang Pondo ng mga Saksi ni Jehova?
Ang pambuong-daigdig na gawain namin ay pangunahin nang sinusuportahan ng boluntaryong donasyon ng mga Saksi ni Jehova.a May mga donation box sa mga lugar ng pagsamba namin, at makikita sa page na Donasyon sa website namin ang iba pang paraan ng pagdo-donate. Puwedeng magbigay ng donasyon para sa pambuong-daigdig na gawain, para sa lokal na kongregasyon, o pareho.
Ang mga Saksi ni Jehova ay hindi hinihilingan na magbigay ng ikapu o ng anumang espesipikong halaga o porsiyento ng kanilang kita. (2 Corinto 9:7) Hindi kami kumukuha ng koleksiyon o bayad para sa pulong namin. Hindi rin nagpapabayad ang mga ministro namin kapag may bautismo, libing, kasal, o iba pang relihiyosong serbisyo. Hindi rin kami nagpa-fundraising gaya ng pagbebenta ng pagkain at gamit, bingo, perya, pa-raffle, o iba pang katulad na gawain, o nagso-solicit ng donasyon. Hindi namin ipinapakilala ang mga nagdo-donate. (Mateo 6:2-4) Wala ring advertisement ang mga website at publikasyon namin.
Bawat kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova ay may buwanang report ng pondo sa kanilang pulong, na makikita ng lahat. Regular na ino-audit ang mga record ng account ng kongregasyon para matiyak na nagagamit nang tama ang pondo.—2 Corinto 8:20, 21.
Mga Paraan ng Pagdo-donate
Donation box: Puwede kang maghulog ng pera o tseke sa mga donation box sa mga Kingdom Hall, Assembly Hall, o iba pang lugar kung saan kami nagpupulong.
Online: Sa maraming bansa, puwede mong gamitin ang page na “Magbigay ng Donasyon sa mga Saksi ni Jehova” para mag-donate gamit ang credit card, debit card, bank transfer, at iba pang electronic donation.b ‘Nagbubukod ng abuloy’ ang ilang Saksi kada buwan para makapag-iskedyul ng awtomatikong donasyon buwan-buwan gamit ang mga paraang ito.—1 Corinto 16:2.
Planadong pagbibigay: Ang ilang paraan ng pagdo-donate ay kailangang planuhin muna at/o kailangang ikonsulta sa isang abogado. Sa ganitong paraan, puwede kang makinabang sa mga benepisyo sa buwis na available sa bansa ninyo. Marami ang nakinabang dahil alam nila ang tungkol sa ganitong pagbibigay na puwedeng gawin habang buháy pa sila o na magkakabisa lang kapag namatay na sila. Pakisuyong kontakin ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para malaman kung paano magdo-donate gamit ang:
bank account
insurance at retirement plan
real estate
stock at bond
testamento at trust
Para sa higit pang impormasyon sa pagdo-donate na available sa lugar ninyo, tingnan ang page na “Magbigay ng Donasyon sa mga Saksi ni Jehova.”
a Nagdo-donate din ang mga di-Saksi sa aming gawain.
b Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang video na Tutorial Para sa Pagbibigay ng Donasyon Online.