Genesis
19 At dumating ang dalawang anghel sa Sodoma nang kinagabihan, at si Lot ay nakaupo sa pintuang-daan ng Sodoma.+ Nang makita sila ni Lot, nang magkagayon ay tumindig siya upang salubungin sila at yumukod habang ang kaniyang mukha ay nakaharap sa lupa.+ 2 At sinabi niya: “Pakisuyo ngayon, mga panginoon ko, pakisuyo, bumaling kayo sa bahay ng inyong lingkod at manatili kayo nang magdamag at pahugasan ang inyong mga paa.+ Pagkatapos ay bumangon kayo nang maaga at humayo sa inyong lakad.”+ Dito ay sinabi nila: “Hindi, kundi sa liwasan kami mananatili nang magdamag.”+ 3 Ngunit siya ay lubhang mapilit sa kanila,+ kung kaya bumaling sila sa kaniya at pumasok sa kaniyang bahay. Nang magkagayon ay naghanda siya ng isang piging para sa kanila,+ at nagluto siya ng mga tinapay na walang pampaalsa,+ at sila ay kumain.
4 Bago sila makahiga, ang mga lalaki ng lunsod, ang mga lalaki ng Sodoma, ay pumalibot sa bahay,+ mula sa batang lalaki hanggang sa matandang lalaki, ang buong bayan bilang isang pangkat ng mang-uumog.+ 5 At patuloy silang tumatawag kay Lot at nagsasabi sa kaniya: “Nasaan ang mga lalaki na dumating sa iyo ngayong gabi? Ilabas mo sila sa amin upang kami ay makipagtalik sa kanila.”+
6 Nang dakong huli ay nilabas sila ni Lot sa pasukan, ngunit isinara niya ang pinto sa likuran niya. 7 Nang magkagayon ay sinabi niya: “Pakisuyo, mga kapatid ko, huwag kayong gumawi nang masama.+ 8 Pakisuyo, narito, mayroon akong dalawang anak na babae na hindi pa nakipagtalik sa lalaki.+ Pakisuyo, ilalabas ko sila sa inyo. Pagkatapos ay gawin ninyo sa kanila kung ano ang mabuti sa inyong paningin.+ Huwag lamang ninyong gawan ng anuman ang mga lalaking ito,+ sapagkat iyan ang dahilan kung bakit sila pumarito sa lilim ng aking bubong.”+ 9 Dahil dito ay sinabi nila: “Tumabi ka riyan!” At isinusog nila: “Ang isang taong ito ay pumarito upang manirahan bilang dayuhan+ at gayunma’y nag-aasta siyang hukom.+ Ngayon ay mas masama ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” At ipinagtulakan nila nang matindi ang lalaki,+ si Lot, at lumapit upang sirain ang pinto.+ 10 Kaya iniunat ng mga lalaki ang kanilang mga kamay at ipinasok si Lot sa kanila, sa loob ng bahay, at isinara nila ang pinto. 11 Ngunit binulag nila ang mga lalaki na nasa pasukan ng bahay,+ mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas,+ anupat nagpapakahirap sila sa paghahanap ng pasukan.+
12 Nang magkagayon ay sinabi ng mga lalaki kay Lot: “Mayroon ka pa bang iba rito? Manugang na lalaki at ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae at ang lahat ng sa iyo sa lunsod, ilabas mo mula sa dakong ito!+ 13 Sapagkat wawasakin namin ang dakong ito, sa dahilang ang paghiyaw laban sa kanila ay lumakas sa harap ni Jehova,+ kung kaya isinugo kami ni Jehova upang wasakin ang lunsod.”+ 14 Kaya si Lot ay lumabas at nagsimulang magsalita sa kaniyang mga manugang na kukuha sa kaniyang mga anak, at patuloy niyang sinabi: “Tumindig kayo! Lumabas kayo mula sa dakong ito, sapagkat wawasakin ni Jehova ang lunsod!”+ Ngunit sa paningin ng kaniyang mga manugang ay waring tulad siya ng isang tao na nagbibiro.+
15 Gayunman, nang magbukang-liwayway na, nang magkagayon ay pinag-apura ng mga anghel si Lot, na sinasabi: “Tumindig ka! Kunin mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na masusumpungan dito,+ dahil baka malipol ka sa kamalian ng lunsod!”+ 16 Nang siya ay nagluluwat+ pa, sa habag nga ni Jehova sa kaniya,+ sinunggaban ng mga lalaki ang kaniyang kamay at ang kamay ng kaniyang asawa at ang mga kamay ng kaniyang dalawang anak at inilabas nila siya at inilagay siya sa labas ng lunsod.+ 17 At nangyari, nang madala na nila sila sa may hangganan, siya ay nagsimulang magsabi: “Itakas mo ang iyong kaluluwa!+ Huwag kang lumingon sa likuran mo+ at huwag kang tumigil sa buong Distrito!+ Tumakas ka patungo sa bulubunduking pook dahil baka malipol ka!”+
18 Nang magkagayon ay sinabi ni Lot sa kanila: “Pakisuyo, huwag ganiyan, Jehova! 19 Pakisuyo ngayon, ang iyong lingkod ay nakasumpong ng lingap sa iyong paningin+ kung kaya pinalalawak mo ang iyong maibiging-kabaitan,+ na ipinakikita mo sa akin upang ingatang buháy ang aking kaluluwa,+ ngunit ako—hindi ako makatatakas patungo sa bulubunduking pook dahil baka maabutan ako ng kapahamakan at tiyak na mamatay ako.+ 20 Pakisuyo ngayon, ang lunsod na ito ay malapit upang doon tumanan at iyon ay maliit na bagay lamang.+ Pakisuyo, maaari bang doon ako tumakas—hindi ba iyon ay maliit na bagay lamang?—at ang aking kaluluwa ay mananatiling buháy.”+ 21 Kaya sinabi niya sa kaniya: “Narito, ako ay nagpapakita sa iyo ng konsiderasyon maging sa bagay na ito,+ sa hindi ko paggiba sa lunsod na iyong sinalita.+ 22 Magmadali ka! Tumakas ka roon, sapagkat hindi ako makagagawa ng anuman hanggang sa makarating ka roon!”+ Iyan ang dahilan kung bakit niya tinawag na Zoar+ ang pangalan ng lunsod.
23 Ang araw ay sumikat na sa lupain nang si Lot ay dumating sa Zoar.+ 24 Nang magkagayon ay nagpaulan si Jehova ng asupre at apoy mula kay Jehova, mula sa langit, sa Sodoma at sa Gomorra.+ 25 Kaya giniba niya ang mga lunsod na ito, maging ang buong Distrito at ang lahat ng tumatahan sa mga lunsod at ang mga halaman sa lupa.+ 26 At ang kaniyang asawa ay nagsimulang lumingon mula sa likuran niya, at ito ay naging haliging asin.+
27 At humayo si Abraham nang maaga sa kinaumagahan patungo sa dakong tinayuan niya sa harap ni Jehova.+ 28 Nang magkagayon ay tumingin siya sa dakong Sodoma at Gomorra at sa buong lupain ng Distrito at mayroon siyang nakita. Aba, narito, makapal na usok ang pumapailanlang mula sa lupain tulad ng makapal na usok ng isang hurnuhan!+ 29 At nangyari, nang wasakin ng Diyos ang mga lunsod ng Distrito ay iningatan ng Diyos sa isipan si Abraham anupat gumawa siya ng mga hakbang upang ilabas si Lot mula sa gitna ng kagibaan nang ginigiba ang mga lunsod na tinatahanan ni Lot.+
30 Nang maglaon ay umahon si Lot mula sa Zoar at nagsimulang manahanan sa bulubunduking pook, at ang kaniyang dalawang anak ay kasama niya,+ sapagkat siya ay natakot na manahanan sa Zoar.+ Kaya siya ay nagsimulang manahanan sa isang yungib, siya at ang kaniyang dalawang anak. 31 At sinabi ng panganay sa nakababatang babae: “Ang ating ama ay matanda na at walang lalaki sa lupain upang sumiping sa atin ayon sa lakad ng buong lupa.+ 32 Halika, bigyan natin ang ating ama ng alak na maiinom+ at sumiping tayo sa kaniya at magpanatili ng supling mula sa ating ama.”+
33 Kaya patuloy nilang binigyan ang kanilang ama ng alak na maiinom nang gabing+ iyon; pagkatapos ay pumasok ang panganay at sumiping sa kaniyang ama, ngunit hindi nito nalaman nang siya ay humiga at nang siya ay bumangon. 34 At nangyari nang sumunod na araw ay sinabi ng panganay sa nakababata: “Narito, ako ay sumiping sa aking ama kagabi. Bigyan natin siya ng alak na maiinom ngayong gabi rin. Pagkatapos ay pumasok ka, sumiping ka sa kaniya, at magpanatili tayo ng supling mula sa ating ama.” 35 Kaya paulit-ulit nilang binigyan ang kanilang ama ng alak na maiinom nang gabi ring iyon; pagkatapos ay bumangon ang nakababata at sumiping sa kaniya, ngunit hindi nito nalaman nang siya ay humiga at nang siya ay bumangon. 36 At ang mga anak ni Lot ay kapuwa nagdalang-tao mula sa kanilang ama.+ 37 Sa kalaunan ang panganay ay nanganak ng isang lalaki at tinawag na Moab+ ang pangalan nito. Siya ang ama ng Moab, hanggang sa araw na ito.+ 38 Kung tungkol sa nakababata, siya rin ay nagsilang ng isang anak na lalaki at pagkatapos ay tinawag na Ben-ami ang pangalan nito. Siya ang ama ng mga anak ni Ammon,+ hanggang sa araw na ito.