Nehemias
13 Nang araw na iyon ay may pagbasa+ mula sa aklat+ ni Moises sa pandinig ng bayan; at nasumpungang nakasulat doon na ang Ammonita+ at ang Moabita+ ay hindi dapat pumasok sa kongregasyon ng tunay na Diyos hanggang sa panahong walang takda,+ 2 sapagkat ang mga anak ni Israel ay hindi nila sinalubong na may tinapay+ at may tubig,+ kundi inupahan nila si Balaam+ laban sa kanila upang isumpa sila.+ Gayunman, ginawang pagpapala ng aming Diyos ang sumpa.+ 3 Kaya nangyari, nang marinig nila ang kautusan,+ pinasimulan nilang ibukod+ ang buong haluang pangkat mula sa Israel.
4 Bago nga nito, si Eliasib+ na saserdoteng nangangasiwa sa isang bulwagang kainan+ ng bahay ng aming Diyos ay kamag-anak ni Tobia;+ 5 at iginawa niya siya ng isang malaking bulwagang kainan,+ kung saan nila palagiang inilalagay noong una ang handog na mga butil,+ ang olibano at ang mga kagamitan at ang ikasampu ng butil, ng bagong alak+ at ng langis,+ na nauukol sa mga Levita+ at sa mga mang-aawit at sa mga bantay ng pintuang-daan, at ang abuloy para sa mga saserdote.
6 At sa buong panahong ito ay wala ako sa Jerusalem, sapagkat noong ikatatlumpu’t dalawang+ taon ni Artajerjes+ na hari ng Babilonya ay pumaroon ako sa hari, at nang maglaon ay humiling ako sa hari ng panahon ng pagliban.+ 7 Pagkatapos ay pumaroon ako sa Jerusalem at napansin ko ang kasamaang ginawa ni Eliasib+ para kay Tobia+ nang igawa niya siya ng isang bulwagan sa looban ng bahay+ ng tunay na Diyos. 8 At sa wari ko ay napakasama nito.+ Kaya inihagis+ ko ang lahat ng muwebles sa bahay ni Tobia sa labas ng bulwagang kainan. 9 Pagkatapos ay nag-utos ako at nilinis+ nila ang mga bulwagang kainan;+ at ibinalik ko roon ang mga kagamitan+ ng bahay ng tunay na Diyos, pati na ang handog na mga butil at ang olibano.+
10 At natuklasan ko na ang mismong mga takdang bahagi+ ng mga Levita ay hindi naibibigay sa kanila, kung kaya ang mga Levita at ang mga mang-aawit na gumagawa ng gawain ay umalis, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling bukid.+ 11 At pinasimulan kong kakitaan ng pagkakamali+ ang mga kinatawang tagapamahala+ at sinabi ko: “Bakit pinababayaan ang bahay ng tunay na Diyos?”+ Dahil dito ay tinipon ko sila at inilagay sila sa kanilang dakong tinatayuan. 12 At ang buong Juda, sa ganang kanila, ay nagdala ng ikasampu+ ng butil+ at ng bagong alak+ at ng langis+ sa mga imbakan.+ 13 Pagkatapos ay inilagay ko si Selemias na saserdote at si Zadok na tagakopya at si Pedaias na mula sa mga Levita upang mangasiwa sa mga imbakan; at sa ilalim ng kanilang pamamahala ay naroon si Hanan na anak ni Zacur na anak ni Matanias,+ sapagkat sila ay itinuturing na tapat;+ at naatang sa kanila na gawin ang pamamahagi+ sa kanilang mga kapatid.
14 Alalahanin mo ako,+ O Diyos ko, may kinalaman dito, at huwag mong pawiin+ ang aking mga gawa ng maibiging-kabaitan na ipinakita ko may kaugnayan sa bahay+ ng aking Diyos at sa pagiging tagapag-ingat nito.
15 Nang mga araw na iyon ay nakita ko sa Juda ang mga tao na yumayapak sa mga pisaan ng ubas kapag sabbath+ at nagdadala ng mga bunton ng butil at ipinapasan+ ang mga iyon sa mga asno,+ at gayundin ng alak, mga ubas at mga igos+ at ng bawat uri ng pasanin, at dinadala ang mga iyon sa Jerusalem sa araw ng sabbath;+ at nagpatotoo ako laban sa kanila noong araw ng pagtitinda nila ng mga panustos. 16 At ang mga taga-Tiro+ mismo ay tumatahan sa lunsod, na nagdadala ng isda at ng bawat uri ng kalakal+ at nagbibili kapag sabbath sa mga anak ni Juda at sa Jerusalem. 17 Kaya pinasimulan kong kakitaan ng pagkakamali ang mga taong mahal+ ng Juda at sinabi ko sa kanila: “Ano itong masamang bagay na ginagawa ninyo, na nilalapastangan pa nga ang araw ng sabbath? 18 Hindi ba ganito ang ginawa ng inyong mga ninuno,+ kung kaya pinasapit sa atin ng ating Diyos ang lahat ng kapahamakang ito,+ at gayundin sa lunsod na ito? Gayunma’y dinaragdagan ninyo ang nag-aapoy na galit laban sa Israel sa pamamagitan ng paglapastangan sa sabbath.”+
19 At nangyari, nang ang mga pintuang-daan ng Jerusalem ay magdilim bago ang sabbath, kaagad akong nag-utos at ang mga pinto ay pinasimulang isara.+ Sinabi ko pa na huwag nilang buksan ang mga iyon hanggang sa matapos ang sabbath; at ang ilan sa sarili kong mga tagapaglingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-daan upang walang pasanin ang makapasok kapag araw ng sabbath.+ 20 Kaya ang mga negosyante at ang mga nagtitinda ng bawat uri ng kalakal ay nagpalipas ng gabi sa labas ng Jerusalem nang minsan at nang makalawang ulit. 21 Nang magkagayon ay nagpatotoo+ ako laban sa kanila at sinabi ko sa kanila: “Bakit kayo nagpapalipas ng gabi sa harap ng pader? Kung gagawin ninyong muli iyan, pagbubuhatan ko kayo ng kamay.”+ Mula nang panahong iyon ay hindi na sila pumaparoon kapag sabbath.
22 At sinabi ko sa mga Levita+ na palagian silang magpakadalisay+ at pumasok, na binabantayan ang mga pintuang-daan+ upang pabanalin+ ang araw ng sabbath. Ito rin ay alalahanin+ mo alang-alang sa akin, O Diyos ko, at maawa ka sa akin ayon sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan.+
23 Gayundin, nang mga araw na iyon ay nakita ko ang mga Judio na naglaan ng tahanan+ sa mga asawang Asdodita,+ Ammonita at Moabita.+ 24 At kung tungkol sa kanilang mga anak, ang kalahati ay nagsasalita ng Asdodita, at walang sinuman sa kanila ang marunong magsalita ng Judio,+ kundi ng wika ng ibang mga bayan. 25 At pinasimulan kong kakitaan sila ng pagkakamali at isumpa sila+ at saktan ang ilang lalaki sa kanila+ at sabunutan ang kanilang buhok at pasumpain sila sa Diyos:+ “Huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, at huwag ninyong tanggapin ang sinuman sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki o sa inyo.+ 26 Hindi ba dahil sa mga ito kung kaya nagkasala si Solomon na hari ng Israel?+ At sa gitna ng maraming bansa ay walang hari ang naging tulad niya;+ at minahal siya ng kaniyang Diyos,+ anupat ginawa siyang hari ng Diyos sa buong Israel. Siya man ay pinagkasala ng mga asawang banyaga.+ 27 At hindi ba ito isang bagay na hindi pa naririnig, ang gawin ninyo ang lahat ng malaking kasamaang ito sa paggawi nang di-tapat laban sa ating Diyos sa pamamagitan ng paglalaan ng tahanan sa mga asawang banyaga?”+
28 At ang isa sa mga anak ni Joiada+ na anak ni Eliasib+ na mataas na saserdote ay manugang ni Sanbalat+ na Horonita.+ Kaya itinaboy ko siya mula sa akin.+
29 Alalahanin mo sila, O Diyos ko, dahil sa pagdungis+ sa pagkasaserdote at sa tipan+ ng pagkasaserdote at sa mga Levita.+
30 At dinalisay+ ko sila mula sa lahat ng bagay na banyaga at nag-atas ako ng mga tungkulin sa mga saserdote at sa mga Levita, ang bawat isa ay sa kaniyang sariling gawain,+ 31 maging para sa panustos na kahoy+ sa mga itinakdang panahon at para sa mga unang hinog na bunga.