Awit
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
31 Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako.+
O huwag nawa akong mapahiya kailanman.+
Sa iyong katuwiran ay paglaanan mo ako ng pagtakas.+
2 Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig.+
Sagipin mo ako nang mabilis.+
Maging batong moog ka para sa akin,+
Bahay ng mga moog upang iligtas ako.+
3 Sapagkat ikaw ang aking malaking bato at aking moog;+
At alang-alang sa iyong pangalan+ ay aakayin mo ako at papatnubayan mo ako.+
6 Kinapopootan ko yaong mga nag-uukol ng pansin sa walang-halaga at walang-kabuluhang mga idolo;+
Ngunit sa ganang akin, kay Jehova ako nagtitiwala.+
7 Ako ay magagalak at magsasaya sa iyong maibiging-kabaitan,+
Sapagkat nakita mo ang aking kapighatian;+
Nalaman mo ang tungkol sa mga kabagabagan ng aking kaluluwa,+
8 At hindi mo ako isinuko sa kamay ng kaaway.+
Pinatayo mo ang aking mga paa sa maluwang na dako.+
9 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova, sapagkat ako ay nasa kagipitan.+
Dahil sa kaligaligan ay nanghina ang aking mata,+ ang aking kaluluwa at ang aking tiyan.+
10 Sapagkat may pamimighating sumapit sa kawakasan ang aking buhay,+
At ang aking mga taon sa pagbubuntunghininga.+
Dahil sa aking kamalian ay nanlupaypay ang aking lakas,+
At ang akin mismong mga buto ay nanghina.+
11 Sa pangmalas ng lahat niyaong napopoot sa akin+ ay naging kadustaan ako,+
At lubhang gayon din sa aking mga kapuwa,+
At panghihilakbot sa aking mga kakilala.+
Kapag nakikita nila ako sa labas, tinatakasan nila ako.+
12 Gaya ng isang patay at wala sa puso, ako ay nilimot;+
Ako ay naging gaya ng sirang sisidlan;+
13 Sapagkat narinig ko ang masamang ulat ng marami,+
Ang pagkatakot ay nasa magkabi-kabila.+
Kapag nagpipisan silang tila iisa laban sa akin,+
Sila ay nagpapakana upang kunin ang aking kaluluwa.+
15 Ang aking mga panahon ay nasa iyong kamay.+
Sagipin mo ako mula sa kamay ng aking mga kaaway at mula sa mga tumutugis sa akin.+
17 O Jehova, huwag nawa akong mapahiya, sapagkat tumawag ako sa iyo.+
Mapahiya nawa ang mga balakyot;+
Manatili nawa silang tahimik sa Sheol.+
18 Mapipi nawa ang mga labing bulaan,+
Na nagsasalita laban sa isang matuwid,+ walang-pigil sa kapalaluan at panghahamak.+
19 Kay sagana ng iyong kabutihan,+ na pinakaingatan mo para sa mga may takot sa iyo!+
Na ipinakita mo roon sa mga nanganganlong sa iyo,
Sa harap ng mga anak ng mga tao.+
20 Ikukubli mo sila sa lihim na dako ng iyong persona+
Mula sa pagsasabuwatan ng mga tao.+
Itatago mo sila sa iyong kubol mula sa pag-aaway ng mga dila.+
Sapagkat gumawa siya ng kamangha-manghang maibiging-kabaitan+ sa akin sa isang lunsod na may kaigtingan.+
22 Kung tungkol sa akin, sinabi ko nang ako ay mahintakutan:+
“Tiyak na malilipol ako mula sa harap ng iyong mga mata.”+
Tiyak na narinig mo ang tinig ng aking mga pamamanhik nang humingi ako sa iyo ng tulong.+