Awit
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Maskil. Ni David.
2 Magbigay-pansin ka sa akin at sagutin mo ako.+
Ako ay nababalisa dahil sa aking pagkabahala,+
At wala akong magawa kundi ang mabagabag,
3 Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa panggigipit ng balakyot.+
Sapagkat palagi nila akong binabagsakan ng bagay na nakasasakit,+
At sa galit ay nagkikimkim sila ng matinding poot laban sa akin.+
4 Ang akin mismong puso ay dumaranas ng matinding kirot sa loob ko,+
At ang mga pagkatakot sa kamatayan ay nahulog sa akin.+
6 At lagi kong sinasabi: “O kung may mga pakpak lamang sana ako na gaya ng sa kalapati!+
Lilipad ako at tatahan.+
7 Narito! Magpapakalayu-layo ako sa pagtakas;+
Manunuluyan ako sa ilang.+—Selah—
8 Magmamadali akong tumungo sa dakong matatakasan ko
Mula sa humahagibis na hangin, mula sa unos.”+
9 Lituhin mo, O Jehova, hatiin mo ang kanilang dila,+
Sapagkat nakakita ako ng karahasan at pagtatalo sa lunsod.+
10 Araw at gabi ay nililibot nila iyon sa ibabaw ng mga pader niyaon;+
At ang pananakit at ang kabagabagan ay nasa loob niyaon.+
11 Ang mga kapighatian ay nasa loob niyaon;
At mula sa liwasan niyaon ay hindi humihiwalay ang paniniil at ang panlilinlang.+
12 Sapagkat hindi isang kaaway ang dumusta sa akin;+
Kung gayon nga ay napagtiisan ko sana.
Hindi isang masidhing napopoot sa akin ang lubhang nagpalalo laban sa akin;+
Kung gayon nga ay nakapagkubli sana ako mula sa kaniya.+
13 Kundi ikaw iyon, isang taong mortal na kagaya ko,+
Isa na pamilyar sa akin at kakilala ko,+
14 Sapagkat dati ay magkasama tayong nagtatamasa ng matamis at matalik na kaugnayan;+
Patungo sa bahay ng Diyos ay dati tayong naglalakad na kasama ng karamihan.+
15 Mapasakanila sana ang mga kaabahan!+
Bumaba sana silang buháy sa Sheol;+
Sapagkat sa paninirahan nila bilang dayuhan ay masasamang bagay ang nasa loob nila.+
17 Gabi at umaga at katanghalian ay wala akong magawa kundi ang mabahala at ako ay dumaraing,+
At dinirinig niya ang aking tinig.+
18 Tiyak na tutubusin niya ang aking kaluluwa at ilalagay ito sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin,+
Sapagkat maramihan silang naging laban sa akin.+
19 Diringgin sila ng Diyos at sasagutin sila,+
Siya na nakaupo sa trono gaya noong nakalipas+—Selah—
Sila na walang mga pagbabago+
At hindi natatakot sa Diyos.+
20 Iniunat niya ang kaniyang mga kamay laban sa mga may pakikipagpayapaan sa kaniya;+
Nilapastangan niya ang kaniyang tipan.+
21 Mas madulas kaysa sa mantikilya ang mga salita ng kaniyang bibig,+
Ngunit ang kaniyang puso ay nakahilig na lumaban.+
Ang kaniyang mga salita ay mas malambot kaysa sa langis,+
Ngunit ang mga iyon ay mga hugót na tabak.+