Awit
91 Ang sinumang tumatahan sa lihim na dako+ ng Kataas-taasan+
Ay makasusumpong ng kaniyang matutuluyan sa pinakalilim ng Makapangyarihan-sa-lahat.+
2 Sasabihin ko kay Jehova: “Ikaw ang aking kanlungan at aking moog,+
Ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.”+
3 Sapagkat siya ang magliligtas sa iyo mula sa bitag ng manghuhuli ng ibon,+
Mula sa salot na nagdudulot ng mga kapighatian.+
4 Sa pamamagitan ng kaniyang mga bagwis ay haharangan niya ang lalapit sa iyo,+
At sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka.+
Ang kaniyang katapatan+ ay magiging isang malaking kalasag+ at balwarte.
5 Hindi ka matatakot sa anumang bagay na nakapanghihilakbot sa gabi,+
Ni sa palaso+ na lumilipad sa araw,
6 Ni sa salot na lumalakad sa karimlan,+
Ni sa pagkapuksa na nananamsam sa katanghaliang tapat.+
7 Isang libo ang mabubuwal sa iyo mismong tabi
At sampung libo sa iyong kanan;
Sa iyo ay hindi iyon lalapit.+
9 Sapagkat sinabi mo: “Si Jehova ang aking kanlungan,”+
Ginawa mong iyong tahanan ang mismong Kataas-taasan;+
10 Walang kapahamakang mangyayari sa iyo,+
At ni isa mang salot ay hindi lalapit sa iyong tolda.+
11 Sapagkat magbibigay siya ng utos sa kaniyang sariling mga anghel may kinalaman sa iyo,+
Upang bantayan ka sa lahat ng iyong mga lakad.+
12 Bubuhatin ka nila sa kanilang mga kamay,+
Upang hindi mo maihampas ang iyong paa sa anumang bato.+
13 Ang batang leon at ang kobra ay tatapakan mo;+
Yuyurakan mo ang may-kilíng na batang leon at ang malaking ahas.+
14 Dahil iniukol niya sa akin ang kaniyang pagmamahal,+
Paglalaanan ko rin siya ng pagtakas.+
Ipagsasanggalang ko siya sapagkat nalaman niya ang aking pangalan.+