Awit
IKAAPAT NA AKLAT
Panalangin ni Moises, na lalaki ng tunay na Diyos.+
2 Bago naipanganak ang mga bundok,+
O bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa+ at ang mabungang lupain,+
Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos.+
3 Pinababalik mo ang taong mortal sa durog na bagay,+
At sinasabi mo: “Bumalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.”+
4 Sapagkat ang isang libong taon sa iyong paningin ay gaya lamang ng kahapon kapag ito ay nakalipas na,+
At gaya ng isang pagbabantay sa gabi.+
5 Pinalis mo sila;+ sila ay nagiging gaya lamang ng pagtulog;+
Sa umaga ay gaya sila ng luntiang damo na nagbabago.+
7 Sapagkat sumapit kami sa kawakasan sa iyong galit,+
At dahil sa iyong pagngangalit ay naligalig kami.+
8 Inilagay mo ang aming mga kamalian sa mismong harap mo,+
Ang mga nakatagong bagay namin sa harapan ng iyong maningning na mukha.+
9 Sapagkat ang lahat ng aming mga araw ay sumasapit sa kanilang pagtatapos dahil sa iyong poot;+
Natapos namin ang aming mga taon na katulad lamang ng bulong.+
10 Sa ganang sarili ang mga araw ng aming mga taon ay pitumpung taon;+
At kung dahil sa natatanging kalakasan ay walumpung taon,+
Ngunit ang pinagpupunyagian nila ay ang kabagabagan at nakasasakit na mga bagay;+
Sapagkat madali itong lumilipas, at kami ay lumilipad na.+
12 Ipakita mo sa amin kung paano bibilangin ang aming mga araw+
Upang makapagtamo kami ng pusong may karunungan.+
14 Busugin mo kami sa umaga ng iyong maibiging-kabaitan,+
Upang humiyaw kami nang may kagalakan at magsaya sa lahat ng aming mga araw.+
15 Pasayahin mo kami katumbas ng mga araw na ipinighati mo sa amin,+
Ng mga taon na nakakita kami ng kapahamakan.+