Isaias
49 Pakinggan ninyo ako, O kayong mga pulo,+ at magbigay-pansin kayo, kayong mga liping pambansa sa malayo.+ Tinawag ako+ ni Jehova mula pa sa tiyan.+ Mula sa mga panloob na bahagi ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan.+ 2 At ang aking bibig ay ginawa niyang gaya ng isang tabak na matalas.+ Sa lilim+ ng kaniyang kamay ay itinago niya ako.+ At sa kalaunan ay ginawa niya akong isang pinakinis na palaso. Ikinubli niya ako sa kaniyang sariling talanga. 3 At sinabi niya sa akin: “Ikaw ay aking lingkod, O Israel,+ ikaw na pagpapakitaan ko ng aking kagandahan.”+
4 Ngunit sa ganang akin, sinabi ko: “Walang saysay ang pagpapagal ko.+ Inubos ko ang aking lakas sa kabulaanan at kawalang-kabuluhan.+ Tunay na ang aking kahatulan ay nasa kay Jehova,+ at ang aking kabayaran ay nasa aking Diyos.”+ 5 At ngayon si Jehova, ang Isa na nag-anyo sa akin mula sa tiyan bilang lingkod na kaniyang pag-aari,+ ay nagsabing ibalik ko ang Jacob sa kaniya,+ upang matipon sa kaniya ang Israel.+ At ako ay maluluwalhati sa paningin ni Jehova, at ang aking Diyos nga ang magiging aking lakas. 6 At sinabi niya: “Naging higit pa sa isang maliit na bagay na ikaw ay maging aking lingkod upang ibangon ang mga tribo ni Jacob at upang ibalik ang mga iniingatan sa Israel;+ ibinigay din kita bilang liwanag ng mga bansa,+ upang ang aking pagliligtas ay maging hanggang sa dulo ng lupa.”+
7 Ito ang sinabi ni Jehova, na Manunubos ng Israel,+ na kaniyang Banal na Isa, sa kaniya na may kaluluwang hinahamak,+ sa kaniya na kinasusuklaman ng bansa,+ sa lingkod ng mga tagapamahala:+ “Ang mga hari mismo ay makakakita at tiyak na babangon,+ at ang mga prinsipe, at yuyukod sila, dahilan kay Jehova, na tapat,+ ang Banal ng Israel, na pumipili sa iyo.”+
8 Ito ang sinabi ni Jehova: “Sa isang panahon ng kabutihang-loob ay sinagot kita,+ at sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita;+ at patuloy kitang iningatan upang maibigay kita bilang isang tipan para sa bayan,+ upang ipanauli ang lupain,+ upang pangyarihin na muling ariin ang nakatiwangwang na mga minanang pag-aari,+ 9 upang sabihin sa mga bilanggo,+ ‘Lumabas kayo!’+ doon sa mga nasa kadiliman,+ ‘Magpakita kayo!’+ Sa tabi ng mga daan ay manginginain sila, at sa lahat ng mga dinaraanang landas ay doon sila manginginain.+ 10 Hindi sila magugutom,+ ni mauuhaw man sila,+ ni sasaktan man sila ng nakapapasong init o ng araw.+ Sapagkat ang Isa na nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+ at sa tabi ng mga bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.+ 11 At gagawin kong daan ang lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangang-bayan ay patataasin.+ 12 Narito! Ang mga ito ay manggagaling mula pa sa malayo,+ at, narito! ang mga ito mula sa hilaga+ at mula sa kanluran,+ at ang mga ito mula sa lupain ng Sinim.”
13 Humiyaw kayo nang may katuwaan, kayong mga langit,+ at magalak ka, O lupa.+ Magsaya ang mga bundok na may hiyaw ng katuwaan.+ Sapagkat inaliw ni Jehova ang kaniyang bayan,+ at nagpapakita siya ng habag sa kaniyang mga napipighati.+
14 Ngunit patuloy na sinasabi ng Sion: “Iniwan ako ni Jehova,+ at nilimot ako ni Jehova.”+ 15 Malilimutan ba ng asawang babae ang kaniyang pasusuhin anupat hindi niya kahahabagan ang anak ng kaniyang tiyan?+ Maging ang mga babaing ito ay makalilimot,+ ngunit ako ay hindi makalilimot sa iyo.+ 16 Narito! Sa aking mga palad ay inililok kita.+ Ang iyong mga pader ay laging nasa harap ko.+ 17 Ang iyong mga anak ay nagmadali. Yaon mismong mga gumigiba sa iyo at nagwawasak sa iyo ay aalis mula sa iyo. 18 Itingin mo ang iyong mga mata sa buong palibot at masdan. Silang lahat ay natipon.+ Pumaroon sila sa iyo. “Buháy ako,” ang sabi ni Jehova,+ “silang lahat ay isusuot mong gaya ng mga palamuti, at ibibigkis mo sila sa iyong sarili tulad ng isang kasintahang babae.+ 19 Bagaman naroon ang iyong mga wasak na dako at ang iyong mga tiwangwang na dako at ang lupain ng iyong mga guho,+ bagaman ngayon ay napakasikip sa iyo upang matahanan, at yaong mga lumululon sa iyo ay nasa malayo,+ 20 gayunma’y sa iyong pandinig ay sasabihin ng naging mga anak sa iyong naulilang kalagayan,+ ‘Ang dako ay napakasikip na para sa akin.+ Maglaan ka ng dako para sa akin, upang ako ay makatahan.’+ 21 At tiyak na sasabihin mo sa iyong puso, ‘Kanino ipinanganak ang mga ito para sa akin, samantalang ako ay babaing naulila sa mga anak at baog, yumaon sa pagkatapon at dinalang bilanggo?+ Ang mga ito naman, sino ang nagpalaki sa kanila?+ Narito! Ako nga ay naiwang mag-isa.+ Ang mga ito—saan sila nanggaling?’ ”+
22 Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito! Itataas ko ang aking kamay sa mga bansa,+ at sa mga bayan ay itatayo ko ang aking hudyat.+ At dadalhin nila sa kanilang dibdib ang iyong mga anak na lalaki, at papasanin nila sa balikat ang iyong mga anak na babae.+ 23 At mga hari ang magiging mga tagapag-alaga para sa iyo,+ at ang kanilang mga prinsesa ay mga yayang babae para sa iyo. Yuyukod sila sa iyo habang ang mga mukha ay nakaharap sa lupa,+ at ang alabok ng iyong mga paa ay hihimurin nila;+ at iyo ngang makikilala na ako ay si Jehova, na hindi ikahihiya niyaong mga umaasa sa akin.”+
24 Yaon bang mga nakuha na ay makukuha pa mula sa isang makapangyarihang lalaki,+ o makatatakas ba ang kalipunan ng mga bihag ng maniniil?+ 25 Ngunit ito ang sinabi ni Jehova: “Maging ang kalipunan ng mga bihag ng makapangyarihang lalaki ay kukunin,+ at yaong mga nakuha na ng maniniil ay makatatakas.+ At sa sinumang nakikipaglaban sa iyo ay ako ang makikipaglaban,+ at sa iyong mga anak ay ako ang magliligtas.+ 26 At ipakakain ko sa mga nagmamalupit sa iyo ang kanilang sariling laman; at gaya ng sa matamis na alak ay malalasing sila sa kanilang sariling dugo. At makikilala nga ng lahat ng laman na ako, si Jehova,+ ay iyong Tagapagligtas+ at iyong Manunubos,+ ang Makapangyarihan ng Jacob.”+