Mikas
4 At mangyayari sa huling bahagi ng mga araw+ na ang bundok+ ng bahay+ ni Jehova ay matibay na matatatag na mataas pa sa taluktok ng mga bundok, at iyon ay mátataás pa nga sa mga burol;+ at doon ay huhugos ang mga bayan.+ 2 At maraming bansa ang yayaon nga at magsasabi: “Halikayo,+ at umahon tayo sa bundok ni Jehova at sa bahay ng Diyos ni Jacob;+ at tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan,+ at lalakad tayo sa kaniyang mga landas.”+ Sapagkat mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ni Jehova mula sa Jerusalem.+ 3 At siya ay maggagawad ng kahatulan sa gitna ng maraming bayan,+ at magtutuwid ng mga bagay-bagay+ may kinalaman sa makapangyarihang mga bansa sa malayo.+ At pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.+ Sila ay hindi magtataas ng tabak, bansa laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.+ 4 At uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos,+ at walang sinumang magpapanginig sa kanila;+ sapagkat ang mismong bibig ni Jehova ng mga hukbo ang nagsalita nito.+
5 Sapagkat ang lahat ng mga bayan, sa ganang kanila, ay lalakad bawat isa sa pangalan ng kaniyang diyos;+ ngunit tayo, sa ganang atin, ay lalakad sa pangalan ni Jehova na ating Diyos+ hanggang sa panahong walang takda, magpakailan-kailanman.+
6 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “titipunin ko siya na umiika-ika;+ at siya na nanabog ay pipisanin ko,+ siya nga na pinakitunguhan ko nang masama. 7 At siya na umiika-ika ay tiyak na gagawin kong isang nalabi,+ at siya na dinala sa malayo ay gagawin kong makapangyarihang bansa;+ at si Jehova ay mamamahala bilang hari sa kanila sa Bundok Sion, mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+
8 “At kung tungkol sa iyo, O tore ng kawan, ang gulod ng anak na babae ng Sion,+ darating iyon hanggang sa iyo, oo, ang unang pamunuan ay tiyak na darating,+ ang kaharian na nauukol sa anak na babae ng Jerusalem.+
9 “Ngayon ay bakit ka patuloy na sumisigaw nang malakas?+ Wala bang hari sa iyo, o naglaho ba ang iyong tagapayo, anupat pinanaigan ka ng mga hapdi na gaya ng sa babaing nanganganak?+ 10 Dumanas ka ng matitinding kirot at magluwal ka, O anak na babae ng Sion, gaya ng babaing nanganganak,+ sapagkat ngayon ay lalabas ka mula sa isang bayan, at tatahan ka sa parang.+ At makararating ka hanggang sa Babilonya.+ Doon ay ililigtas ka.+ Doon ay tutubusin ka ni Jehova mula sa palad ng iyong mga kaaway.+
11 “At ngayon ay tiyak na matitipon laban sa iyo ang maraming bansa, yaong mga nagsasabi, ‘Marumhan siya, at mamasdan nawa ng ating mga mata ang Sion.’+ 12 Ngunit kung tungkol sa kanila, hindi nila nalalaman ang mga kaisipan ni Jehova, at hindi nila nauunawaan ang kaniyang layunin;+ sapagkat pipisanin niya sila sa giikan+ na gaya ng isang hanay ng kapuputol na uhay.
13 “Bumangon ka at gumiik, O anak na babae ng Sion;+ sapagkat ang iyong sungay ay gagawin kong bakal, at ang iyong mga kuko ay gagawin kong tanso, at dudurugin mo ang maraming bayan;+ at sa pamamagitan ng pagbabawal ay itatalaga mo nga kay Jehova ang kanilang di-tapat na pakinabang,+ at ang kanilang yaman, sa tunay na Panginoon ng buong lupa.”+