Bilang
12 At nagsalita si Miriam at si Aaron laban kay Moises dahil sa asawang Cusita na kinuha niya, sapagkat isang asawang Cusita ang kinuha niya.+ 2 At lagi nilang sinasabi: “Sa pamamagitan lamang ba ni Moises nagsasalita si Jehova? Hindi ba sa pamamagitan din natin ay nagsasalita siya?”+ At nakikinig si Jehova.+ 3 At ang lalaking si Moises ay totoong pinakamaamo+ sa lahat ng taong nasa ibabaw ng lupa.
4 Kaagad namang sinabi ni Jehova kay Moises at kay Aaron at kay Miriam: “Lumabas kayo, kayong tatlo, patungo sa tolda ng kapisanan.” Kaya lumabas silang tatlo. 5 Pagkatapos ay bumaba si Jehova sa haliging ulap+ at tumayo sa pasukan ng tolda at tinawag si Aaron at si Miriam. Sa gayon ay kapuwa sila lumabas. 6 At sinabi niya: “Pakinggan ninyo ang aking mga salita, pakisuyo. Kung may propeta sa inyo para kay Jehova, sa pangitain+ ako magpapakilala sa kaniya. Sa panaginip+ ako magsasalita sa kaniya. 7 Hindi gayon sa aking lingkod na si Moises!+ Sa kaniya ipinagkakatiwala ang aking buong sambahayan.+ 8 Bibig sa bibig akong nagsasalita sa kaniya,+ sa gayon ay ipinakikita sa kaniya, at hindi sa pamamagitan ng mga bugtong;+ at ang kaanyuan ni Jehova ang kaniyang namamasdan.+ Bakit nga hindi kayo natakot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?”+
9 At ang galit ni Jehova ay nag-init laban sa kanila, at yumaon siya. 10 At ang ulap ay lumayo mula sa ibabaw ng tolda, at, narito! si Miriam ay kinapitan ng ketong na kasimputi ng niyebe.+ Nang magkagayon ay bumaling si Aaron kay Miriam, at, narito! kinapitan siya ng ketong.+ 11 Kaagad na sinabi ni Aaron kay Moises: “Pagpaumanhinan mo ako, panginoon ko! Pakisuyo, huwag mong ipataw sa amin ang kasalanan na ikinilos namin nang may kamangmangan at nagawa namin!+ 12 Pakisuyo, huwag mo siyang panatilihing gaya ng isang patay,+ na ang kalahati ng kaniyang laman pagkalabas niya sa bahay-bata ng kaniyang ina ay agnas na!” 13 At dumaing si Moises kay Jehova, na sinasabi: “O Diyos, pakisuyo! Pagalingin mo siya, pakisuyo!”+
14 Nang magkagayon ay sinabi ni Jehova kay Moises: “Kung duduraan+ siya ng kaniyang ama sa kaniya mismong mukha, hindi ba siya mapapahiya nang pitong araw? Ikuwarentenas+ siya nang pitong araw sa labas ng kampo,+ at pagkatapos ay tanggapin siya sa loob.”+ 15 Sa gayon ay ikinuwarentenas si Miriam sa labas ng kampo nang pitong araw,+ at hindi lumisan ang bayan hanggang sa tanggapin si Miriam sa loob. 16 At pagkatapos ay lumisan ang bayan mula sa Hazerot+ at nagkampo sa ilang ng Paran.+