Mateo
3 Nang mga araw na iyon si Juan Bautista+ ay dumating na nangangaral sa ilang+ ng Judea, 2 na nagsasabi: “Magsisi kayo,+ sapagkat ang kaharian ng langit ay malapit na.”+ 3 Ito, sa katunayan, ang isa na tinutukoy sa pamamagitan ni Isaias na propeta+ sa mga salitang ito: “Makinig kayo! May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda+ ninyo ang daan ni Jehova! Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.’ ” 4 Ngunit ang mismong Juan na ito ay may pananamit na balahibo+ ng kamelyo at pamigkis na katad+ sa kaniyang mga balakang; ang kaniya ring pagkain ay mga kulisap na balang+ at pulot-pukyutang ligáw.+ 5 Nang magkagayon ay lumabas patungo sa kaniya ang Jerusalem at ang buong Judea at ang buong lupain sa palibot ng Jordan, 6 at ang mga tao ay binautismuhan niya sa Ilog Jordan,+ na hayagang nagtatapat ng kanilang mga kasalanan.
7 Nang makita niya ang marami sa mga Pariseo at mga Saduceo+ na pumaparoon sa bautismo, sinabi niya sa kanila: “Kayong supling ng mga ulupong,+ sino ang nagbigay-alam sa inyo upang tumakas mula sa dumarating na poot?+ 8 Kaya nga magluwal kayo ng bunga na angkop sa pagsisisi;+ 9 at huwag ninyong ipagpalagay na sabihin sa inyong sarili, ‘Bilang ama ay taglay namin si Abraham.’+ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na ang Diyos ay makapagbabangon ng mga anak kay Abraham+ mula sa mga batong ito. 10 Ang palakol+ ay nakalapag na sa ugat ng mga punungkahoy; bawat punungkahoy, kung gayon, na hindi nagluluwal ng mainam na bunga ay puputulin+ at ihahagis sa apoy.+ 11 Ako, sa ganang akin, ay nagbabautismo sa inyo sa tubig+ dahil sa inyong pagsisisi;+ ngunit ang isa na dumarating+ na kasunod ko ay mas malakas kaysa sa akin, na sa kaniyang mga sandalyas ay hindi ako nararapat mag-alis.+ Babautismuhan kayo ng isang iyon sa banal na espiritu+ at sa apoy.+ 12 Ang kaniyang palang pantahip ay nasa kamay niya, at lubusan niyang lilinisin ang kaniyang giikan, at titipunin sa kamalig ang kaniyang trigo,+ ngunit ang ipa ay kaniyang susunugin+ sa apoy na hindi mapapatay.”
13 Nang magkagayon ay dumating si Jesus mula sa Galilea+ patungo kay Juan sa Jordan, upang magpabautismo+ sa kaniya. 14 Ngunit tinangka siyang pigilan nitong huling nabanggit, na sinasabi: “Ako ang nangangailangang mabautismuhan mo, at ikaw pa ba ang pumaparito sa akin?” 15 Bilang tugon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Hayaan mo na, sa pagkakataong ito, sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang maisakatuparan ang lahat ng matuwid.”+ Nang magkagayon ay huminto siya sa pagpigil sa kaniya. 16 Pagkatapos na mabautismuhan ay kaagad na umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito! ang langit ay nabuksan,+ at nakita niyang bumababa na tulad ng isang kalapati+ ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya.+ 17 Narito! May tinig+ din mula sa langit na nagsabi: “Ito ang aking Anak,+ ang minamahal,+ na aking sinang-ayunan.”+