Galacia
5 Ukol sa gayong kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo.+ Kung gayon ay tumayo kayong matatag,+ at huwag na kayong magpasakop pang muli sa pamatok ng pagkaalipin.+
2 Tingnan ninyo! Ako, si Pablo, ay nagsasabi sa inyo na kung kayo ay magiging tuli,+ si Kristo ay hindi magiging kapaki-pakinabang sa inyo. 3 Bukod diyan, muli akong nagpapatotoo sa bawat taong magpapatuli na siya ay may pananagutang isagawa ang buong Kautusan.+ 4 Kayo ay hiwalay kay Kristo, sinuman kayo na nagsisikap na maipahayag na matuwid sa pamamagitan ng kautusan;+ kayo ay nahulog mula sa kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan.+ 5 Sa ganang amin sa pamamagitan ng espiritu ay may-pananabik naming hinihintay ang inaasahang katuwiran na siyang resulta ng pananampalataya.+ 6 Sapagkat may kinalaman kay Kristo Jesus ay walang anumang halaga ang pagtutuli ni ang di-pagtutuli,+ kundi ang pananampalatayang+ kumikilos sa pamamagitan ng pag-ibig.+
7 Tumatakbo na kayo noon nang mahusay.+ Sino ang humadlang sa inyo sa patuloy na pagsunod sa katotohanan?+ 8 Ang uring ito ng panghihikayat ay hindi mula sa Isa na tumatawag sa inyo.+ 9 Ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa sa buong limpak.+ 10 Ako ay may tiwala+ sa inyo na mga kaisa+ ng Panginoon na hindi kayo mag-iisip ng kakaiba; ngunit yaong lumilikha ng kaguluhan+ sa inyo ay magpapasan ng kaniyang kahatulan,+ maging sino man siya. 11 Kung tungkol sa akin, mga kapatid, kung nangangaral pa rin ako ng pagtutuli, bakit pa ako pinag-uusig? Kung gayon nga, ang katitisuran+ ng pahirapang tulos+ ay napawi na.+ 12 Nais ko sanang ang mga lalaking nagtatangkang magtiwarik sa inyo+ ay magpakapon na.+
13 Sabihin pa, kayo ay tinawag ukol sa kalayaan,+ mga kapatid; huwag lamang ninyong gamitin ang kalayaang ito bilang pangganyak para sa laman,+ kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay magpaalipin kayo sa isa’t isa.+ 14 Sapagkat ang buong Kautusan ay natutupad+ sa isang pananalita, samakatuwid nga: “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”+ 15 Gayunman, kung patuloy kayong nagkakagatan at naglalamunan sa isa’t isa,+ mag-ingat kayo na hindi kayo maglipulan sa isa’t isa.+
16 Kundi sinasabi ko, Patuloy na lumakad ayon sa espiritu+ at hindi kayo kailanman magsasagawa ng makalamang pagnanasa.+ 17 Sapagkat ang laman ay laban sa espiritu+ sa pagnanasa nito, at ang espiritu ay laban sa laman; sapagkat ang mga ito ay magkalaban sa isa’t isa, anupat ang mismong mga bagay na ibig ninyong gawin ay hindi ninyo ginagawa.+ 18 Karagdagan pa, kung inaakay kayo ng espiritu,+ kayo ay wala sa ilalim ng kautusan.+
19 At ang mga gawa ng laman ay hayag,+ at ang mga ito ay pakikiapid,+ karumihan, mahalay na paggawi,+ 20 idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo,+ mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, 21 mga inggitan, mga paglalasingan,+ mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito. Tungkol sa mga bagay na ito ay patiuna ko kayong binababalaan, kung paanong patiuna ko kayong binabalaan, na yaong mga nagsasagawa+ ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.+
22 Sa kabilang dako naman, ang mga bunga+ ng espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan,+ pananampalataya, 23 kahinahunan, pagpipigil sa sarili.+ Laban sa gayong mga bagay ay walang kautusan.+ 24 Bukod diyan, ibinayubay niyaong mga kay Kristo Jesus ang laman kasama ng mga pita at mga pagnanasa nito.+
25 Kung tayo ay nabubuhay ayon sa espiritu, magpatuloy rin tayong lumakad nang maayos ayon sa espiritu.+ 26 Huwag tayong maging egotistiko, na nagsusulsol ng pagpapaligsahan+ sa isa’t isa, na nag-iinggitan sa isa’t isa.+