Deuteronomio
1 Ito ang mga salita na sinalita ni Moises sa buong Israel sa pook ng Jordan+ sa ilang, sa mga disyertong kapatagan sa tapat ng Sup, sa pagitan ng Paran+ at ng Topel at ng Laban at ng Hazerot+ at ng Dizahab, 2 labing-isang araw nga mula sa Horeb sa daan ng Bundok Seir hanggang sa Kades-barnea.+ 3 At nangyari nga nang ikaapatnapung+ taon, nang ikalabing-isang buwan, noong ikaisa ng buwan, si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel ayon sa lahat ng iniutos ni Jehova sa kaniya para sa kanila, 4 pagkatapos niyang talunin si Sihon+ na hari ng mga Amorita, na nananahanan sa Hesbon, at si Og+ na hari ng Basan, na nananahanan sa Astarot,+ sa Edrei.+ 5 Sa pook ng Jordan sa lupain ng Moab ay pinasimulan ni Moises na ipaliwanag ang kautusang ito,+ na sinasabi:
6 “Si Jehova na ating Diyos ay nagsalita sa atin sa Horeb,+ na sinasabi, ‘Matagal na rin kayong nananahanan sa bulubunduking pook na ito.+ 7 Pumihit kayo at humayo kayo at pumasok kayo sa bulubunduking pook ng mga Amorita+ at sa lahat ng kanilang mga kalapit na bayan sa Araba,+ sa bulubunduking pook+ at sa Sepela at sa Negeb+ at sa baybaying dagat,+ na lupain ng mga Canaanita,+ at sa Lebanon,+ hanggang sa malaking ilog, na ilog ng Eufrates.+ 8 Tingnan ninyo, inilalagay ko ang lupain sa harap ninyo. Pumasok kayo at ariin ninyo ang lupain na isinumpa ni Jehova sa inyong mga ama, kay Abraham, kay Isaac+ at kay Jacob,+ upang ibigay iyon sa kanila at sa kanilang binhi na kasunod nila.’+
9 “At sinabi ko ito sa inyo nang mismong panahong iyon, ‘Hindi ko kayo makakayang dalhing mag-isa.+ 10 Pinarami kayo ni Jehova na inyong Diyos, at narito, kayo ngayon ay tulad ng mga bituin sa langit dahil sa dami.+ 11 Paramihin nawa kayo+ ni Jehova na Diyos ng inyong mga ninuno nang isang libong ulit ng dami ninyo, at nawa’y pagpalain+ niya kayo gaya ng ipinangako niya sa inyo.+ 12 Paano ko madadalang mag-isa ang inyong pasanin at ang inyong pasan at ang inyong pagtatalo?+ 13 Kumuha kayo ng marurunong at maiingat+ at makaranasang+ mga lalaki mula sa inyong mga tribo, upang maitalaga ko sila bilang mga ulo sa inyo.’+ 14 Dito ay sinagot ninyo ako at sinabi, ‘Ang bagay na sinalita mong gawin namin ay mabuti.’ 15 Kaya kinuha ko ang mga ulo ng inyong mga tribo, mga lalaking marurunong at makaranasan, at inilagay ko sila bilang mga ulo sa inyo, mga pinuno ng libu-libo at mga pinuno ng daan-daan at mga pinuno ng lima-limampu at mga pinuno ng sampu-sampu at mga opisyal ng inyong mga tribo.+
16 “At inutusan ko ang inyong mga hukom nang mismong panahong iyon, na sinasabi, ‘Kapag nagsasagawa ng isang pagdinig sa pagitan ng inyong mga kapatid, humatol kayo nang may katuwiran+ sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapatid o ng dayuhang nakikipanirahan sa kaniya.+ 17 Huwag kayong magtatangi sa paghatol.+ Pakikinggan ninyo ang maliit na gaya ng malaki.+ Huwag kayong matatakot dahil sa tao,+ sapagkat ang kahatulan ay nauukol sa Diyos;+ at ang usapin na lubhang mahirap para sa inyo ay dadalhin ninyo sa akin, at pakikinggan ko iyon.’+ 18 At iniutos ko sa inyo nang mismong panahong iyon ang lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.
19 “Pagkatapos ay nilisan natin ang Horeb at tinahak ang buong ilang na iyon na malaki at kakila-kilabot,+ na nakita ninyo, sa daan ng bulubunduking pook ng mga Amorita,+ gaya ng iniutos sa atin ni Jehova na ating Diyos; at nang maglaon ay dumating tayo sa Kades-barnea.+ 20 At sinabi ko sa inyo, ‘Narating ninyo ang bulubunduking pook ng mga Amorita, na ibinibigay sa atin ni Jehova na ating Diyos.+ 21 Tingnan mo, pinabayaan ni Jehova na iyong Diyos ang lupain sa iyo.+ Umahon ka, ariin mo, gaya ng sinalita sa iyo ni Jehova na Diyos ng iyong mga ninuno.+ Huwag kang matakot, ni masindak man.’+
22 “Gayunman, kayong lahat ay lumapit sa akin at nagsabi, ‘Magsugo tayo ng mga lalaki sa unahan natin upang siyasatin nila ang lupain para sa atin at magbalik sa atin ng salita may kinalaman sa daan na dapat nating ahunin at sa mga lunsod na ating paroroonan.’+ 23 Buweno, ang bagay na iyon ay naging mabuti sa aking paningin, kaya kumuha ako ng labindalawang lalaki sa inyo, isa sa bawat tribo.+ 24 Pagkatapos ay pumihit sila at umahon sa bulubunduking pook+ at nakarating hanggang sa agusang libis ng Escol+ at naniktik doon. 25 At kumuha sila ng ilang bunga ng lupain+ sa kanilang kamay at inilusong iyon sa atin, at nagbalik sila sa atin ng salita at nagsabi, ‘Ang lupain na ibinibigay sa atin ni Jehova na ating Diyos ay mabuti.’+ 26 Ngunit hindi ninyo ninais na umahon,+ at nagsimula kayong gumawi nang mapaghimagsik laban sa utos ni Jehova na inyong Diyos.+ 27 At patuloy kayong nagbulung-bulungan sa inyong mga tolda at nagsabi, ‘Dahil kinapootan tayo ni Jehova+ kung kaya niya tayo inilabas mula sa lupain ng Ehipto+ upang ibigay tayo sa kamay ng mga Amorita, upang lipulin tayo.+ 28 Saan tayo aahon? Pinangyari ng ating mga kapatid na matunaw ang ating puso,+ na sinasabi: “Isang bayan na mas dakila at mas matangkad kaysa sa atin,+ mga lunsod na malalaki at nakukutaan hanggang sa langit+ at ang mga anak ng mga Anakim+ ay nakita rin namin doon.” ’
29 “Kaya sinabi ko sa inyo, ‘Huwag kayong magigitla o matatakot dahil sa kanila.+ 30 Si Jehova na inyong Diyos ang hahayo sa unahan ninyo. Ipaglalaban niya kayo+ ayon sa lahat ng ginawa niya sa inyo sa Ehipto sa harap ng inyong sariling mga mata,+ 31 at sa ilang,+ kung saan nakita mo kung paano ka dinala ni Jehova na iyong Diyos+ gaya ng pagdadala ng isang tao sa kaniyang anak, sa buong daan na nilakaran ninyo hanggang sa pagdating ninyo sa dakong ito.’+ 32 Ngunit sa kabila ng salitang ito ay hindi kayo nanampalataya kay Jehova na inyong Diyos,+ 33 na siyang humahayo sa unahan ninyo sa daan upang maniktik para sa inyo ng isang dakong mapagkakampuhan ninyo,+ sa pamamagitan ng apoy sa gabi upang makita ninyo kung anong daan ang inyong lalakaran at sa pamamagitan ng isang ulap sa araw.+
34 “Samantala ay narinig ni Jehova ang tinig ng inyong mga salita. Kaya nagalit siya at sumumpa,+ na sinasabi, 35 ‘Walang isa man sa mga taong ito ng masamang salinlahing ito ang makakakita sa mabuting lupain na isinumpa kong ibibigay sa inyong mga ama,+ 36 maliban kay Caleb na anak ni Jepune.+ Makikita niya iyon, at sa kaniya at sa kaniyang mga anak ay ibibigay ko ang lupain na kaniyang tinuntungan, sa dahilang sinunod niya si Jehova nang lubusan.+ 37 (Maging sa akin ay nagalit si Jehova dahil sa inyo, na sinasabi, ‘Ikaw rin ay hindi papasok doon.+ 38 Si Josue na anak ni Nun, na nakatayo sa harap mo, ang siyang papasok doon.’+ Siya ang pinalakas niya,+ sapagkat pangyayarihin niyang manahin iyon ng Israel.) 39 Kung tungkol sa inyong maliliit na bata na sinabi ninyo: “Sila ay magiging samsam!”+ at sa inyong mga anak na ngayon ay hindi nakakakilala ng mabuti o masama, ang mga ito ang papasok doon, at sa kanila ko ibibigay iyon, at aariin nila iyon. 40 Kung tungkol naman sa inyo, mag-iba kayo ng inyong direksiyon at lumisan kayo patungong ilang sa daang patungo sa Dagat na Pula.’+
41 “Dito ay sumagot kayo at nagsabi sa akin, ‘Nagkasala kami laban kay Jehova.+ Kami—aahon kami at lalaban ayon sa lahat ng iniutos sa amin ni Jehova na aming Diyos!’ Kaya nagbigkis kayo, bawat isa, ng kaniyang mga sandatang pandigma at nag-akalang madaling umahon sa bundok.+ 42 Ngunit sinabi ni Jehova sa akin, ‘Sabihin mo sa kanila: “Huwag kayong umahon at lumaban, sapagkat wala ako sa gitna ninyo;+ upang hindi kayo matalo sa harap ng inyong mga kaaway.” ’+ 43 Kaya nagsalita ako sa inyo, at hindi kayo nakinig kundi nagsimula kayong gumawi nang mapaghimagsik+ laban sa utos ni Jehova at nag-init kayo nang lubos, at tinangka ninyong umahon sa bundok.+ 44 At ang mga Amorita na nananahanan sa bundok na iyon ay lumabas upang salubungin kayo at hinabol kayo,+ gaya ng ginagawa ng mga bubuyog, at pinangalat kayo sa Seir hanggang sa Horma.+ 45 Pagkatapos niyaon ay bumalik kayo at tumangis sa harap ni Jehova, ngunit hindi nakinig si Jehova sa inyong tinig,+ ni pinakinggan man niya kayo.+ 46 Kaya nanahanan pa kayo sa Kades nang maraming araw, na kasindami ng mga araw na ipinanahanan na ninyo roon.+