Santiago
3 Hindi marami sa inyo ang dapat na maging mga guro,+ mga kapatid ko, yamang nalalamang tatanggap tayo ng mas mabigat na hatol.+ 2 Sapagkat tayong lahat ay natitisod nang maraming ulit.+ Kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita,+ ang isang ito ay taong sakdal,+ na may kakayahang rendahan din ang kaniyang buong katawan. 3 Kung nilalagyan natin ng mga renda+ ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin nila tayo,+ nasusupil din natin ang kanilang buong katawan. 4 Narito! Maging ang mga barko, bagaman napakalalaki ng mga ito at itinutulak ng malalakas na hangin, ay inuugitan ng isang napakaliit na timon+ kung saan nais ikiling ng timonero.
5 Gayundin naman, ang dila ay isang maliit na sangkap gayunma’y gumagawa ng malalaking pagyayabang.+ Narito! Kay liit na apoy ang kailangan upang silaban ang isang napakalaking kakahuyan! 6 Buweno, ang dila ay isang apoy.+ Ang dila ay bumubuo ng isang sanlibutan ng kalikuan sa gitna ng ating mga sangkap, sapagkat binabatikan nito ang buong katawan+ at sinisilaban ang gulong ng likas na buhay at ito ay sinisilaban ng Gehenna. 7 Sapagkat ang bawat uri ng mailap na hayop at gayundin ng ibon at gumagapang na bagay at nilalang sa dagat ay pinaaamo at napaamo na ng tao.+ 8 Ngunit ang dila, walang isa man sa sangkatauhan ang makapagpaamo nito. Isang di-masupil at nakapipinsalang bagay, ito ay punô ng nakamamatay na lason.+ 9 Sa pamamagitan nito ay pinapagpapala natin si Jehova,+ ang Ama+ mismo, gayunman sa pamamagitan nito ay isinusumpa+ natin ang mga tao na umiral “sa wangis ng Diyos.”+ 10 Mula sa iisang bibig ay lumalabas ang pagpapala at pagsumpa.
Hindi wasto, mga kapatid ko, na ang mga bagay na ito ay patuloy na mangyari nang ganito.+ 11 Ang isang bukal+ ay hindi binabalungan ng matamis at ng mapait mula sa iisang butas, hindi ba? 12 Mga kapatid ko, ang puno ng igos ay hindi makapagluluwal ng mga olibo o ang punong-ubas ng mga igos, hindi ba?+ Ni ang tubig-alat man ay makapaglalabas ng matamis na tubig.
13 Sino ang marunong at may-unawa sa inyo? Ipakita niya mula sa kaniyang mainam na paggawi ang kaniyang mga gawa+ na may kahinahunan na nauukol sa karunungan. 14 Ngunit kung kayo ay may mapait na paninibugho+ at hilig na makipagtalo+ sa inyong mga puso, huwag kayong magyabang+ at magsinungaling laban sa katotohanan.+ 15 Hindi ito ang karunungan na bumababa mula sa itaas,+ kundi yaong makalupa,+ makahayop, makademonyo.+ 16 Sapagkat kung saan may paninibugho+ at hilig na makipagtalo, naroon ang kaguluhan at bawat buktot na bagay.+
17 Ngunit ang karunungan+ mula sa itaas una sa lahat ay malinis,+ pagkatapos ay mapayapa,+ makatuwiran,+ handang sumunod, punô ng awa at mabubuting bunga,+ hindi gumagawa ng pagtatangi-tangi,+ hindi mapagpaimbabaw.+ 18 Bukod diyan, ang bunga+ ng katuwiran+ ay may binhing inihasik sa ilalim ng mapayapang+ mga kalagayan para roon sa mga nakikipagpayapaan.+