Job
5 “Tumawag ka, pakisuyo! May sumasagot ba sa iyo?
Sino sa mga banal ang hihingan mo ng tulong?
2 Dahil sama ng loob ang papatay sa mangmang,
At inggit ang papatay sa mga madaling maniwala.
4 Malayo sa kaligtasan ang mga anak niya,
At inaapi* sila sa pintuang-daan ng lunsod,+ at walang nagtatanggol sa kanila.
5 Ang ani niya ay kinakain ng gutom,
At kinukuha nito kahit ang tumutubo sa tinikan.
Inaagaw sa kanila ang mga pag-aari nila.
6 Dahil hindi sa alabok nagmumula ang nakapipinsalang mga bagay,
At hindi sa lupa nanggagaling ang problema.
7 Dahil ang buhay ng tao ay talagang punô ng problema
Kung paanong talagang pataas ang tilamsik ng apoy.
8 Pero dudulog ako sa Diyos,
At ihaharap ko sa Diyos ang usapin ko,
9 Sa Diyos na gumagawa ng dakila at di-masaliksik na mga bagay,
Ng di-mabilang at kamangha-manghang mga bagay.
10 Nagpapaulan siya sa lupa
At nagpapadala ng tubig sa lupain.
11 Itinataas niya ang mabababa
At inililigtas ang mga nasisiraan ng loob.
12 Binibigo niya ang pakana ng mga tuso
Para hindi magtagumpay ang ginagawa nila.
14 Sa umaga ay nababalot sila ng kadiliman,
At sa katanghaliang-tapat ay nangangapa sila na para bang gabi.
15 Inililigtas niya ang mga tao mula sa dila na kasintalas ng espada
At inililigtas ang mga dukha mula sa kamay ng malalakas,
16 Kaya may pag-asa para sa mabababa,
Pero itinitikom niya ang bibig ng mga di-matuwid.
17 Maligaya ang tao na sinasaway ng Diyos;
Kaya huwag mong itakwil ang disiplina ng Makapangyarihan-sa-Lahat!
18 Dahil nananakit siya pero tinatalian niya ang sugat;
Namiminsala siya pero nagpapagaling gamit ang sarili niyang kamay.
19 Ililigtas ka niya mula sa anim na kapahamakan;
Kahit ang ikapito ay hindi makapipinsala sa iyo.
21 Maiingatan ka mula sa dilang gaya ng hagupit,+
At hindi mo katatakutan ang kapahamakan kapag dumating ito.
22 Pagtatawanan mo ang pagkawasak at gutom,
At hindi mo katatakutan ang mababangis na hayop sa lupa.
23 Dahil hindi ka sasaktan ng* mga bato sa parang,
At magiging maamo sa iyo ang mababangis na hayop sa parang.
24 Titira ka nang panatag* sa iyong tolda;
Kapag tinitingnan mo ang iyong pastulan, walang isa man ang nawawala.
25 Magkakaroon ka ng maraming anak,
At ang iyong mga inapo ay magiging kasindami ng pananim sa lupa.
26 Magiging malakas ka hanggang sa kamatayan,
Gaya ng mga tungkos ng butil na tinitipon sa kanilang kapanahunan.
27 Sinuri namin ito at nakitang totoo.
Pakinggan mo ito at tanggapin.”