Jeremias
4 “Kung manunumbalik ka, O Israel,” ang sabi ni Jehova,
“Kung manunumbalik ka sa akin
At aalisin mo sa harap ko ang iyong kasuklam-suklam na mga idolo,
Hindi ka magpapagala-gala.+
2 At kung susumpa ka,
‘Kung paanong buháy si Jehova!’ sa katotohanan, katarungan, at katuwiran,
Ang mga bansa ay magtatamo ng pagpapala sa pamamagitan niya,
At magmamalaki sila dahil sa kaniya.”+
3 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem:
“Mag-araro kayo sa sakahang lupa,
At huwag na kayong maghasik sa mga lupang may matitinik na halaman.+
4 Magpatuli kayo para kay Jehova,
At alisin ninyo ang mga dulong-balat ng inyong puso,+
Kayong mga taga-Juda at mga taga-Jerusalem.
Kung hindi ay sisiklab ang galit ko gaya ng apoy
Dahil sa masasamang ginagawa ninyo;
Magliliyab ito at walang makapapatay nito.”+
5 Ibalita ninyo iyon sa Juda, at ipahayag ninyo iyon sa Jerusalem.
Sumigaw kayo at hipan ninyo ang tambuli sa buong lupain.+
6 Maglagay kayo ng palatandaan* papunta sa Sion.
Humanap kayo ng makakanlungan, at huwag kayong tumigil,”
Dahil mula sa hilaga ay magdadala ako ng kapahamakan,+ isang malakas na pagbagsak.
7 Lumabas na siya gaya ng isang leon mula sa kaniyang taguan;*+
Humayo na ang tagapuksa ng mga bansa.+
Umalis na siya mula sa kaniyang lugar para gawing nakapangingilabot ang lupain mo.
Ang mga lunsod mo ay guguho, at wala nang maninirahan doon.+
8 Kaya magsuot kayo ng telang-sako.+
Magdalamhati kayo* at humagulgol,
Dahil hindi pa nawawala ang nag-aapoy na galit ni Jehova sa atin.
9 “Sa araw na iyon,” ang sabi ni Jehova, “panghihinaan ng loob ang hari,+
Pati ang matataas na opisyal;
Matatakot ang mga saserdote, at magugulat ang mga propeta.”+
10 Pagkatapos ay sinabi ko: “O Kataas-taasang Panginoong Jehova! Talagang nilinlang mo ang bayang ito+ at ang Jerusalem sa pagsasabing ‘Magkakaroon kayo ng kapayapaan,’+ samantalang ang espada ay nakatutok na sa lalamunan namin.”
11 Sa panahong iyon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem:
“Isang nakapapasong hangin mula sa tuktok ng mga burol sa disyerto
Ang hihihip sa anak na babae ng bayan ko;*
Hindi iyon darating para magtahip o maglinis.
12 Ang malakas na hangin ay dumarating mula sa mga lugar na ito sa utos ko.
Ngayon ay ihahayag ko ang hatol sa kanila.
Ang mga kabayo niya ay mas matulin sa mga agila.+
Kaawa-awa tayo, dahil katapusan na natin!
14 Linisin mo ang puso mo mula sa kasamaan, O Jerusalem, para maligtas ka.+
Hanggang kailan ka mag-iisip ng kasamaan?
15 Dahil isang tinig ang nagbabalita mula sa Dan,+
At naghahayag ito ng kapahamakan mula sa kabundukan ng Efraim.
16 Ibalita ninyo ito sa mga bansa;
Ihayag ninyo ito sa Jerusalem.”
“May parating na mga bantay* mula sa isang malayong lupain,
At sisigaw sila laban sa mga lunsod ng Juda.
17 Paliligiran nila siya gaya ng mga bantay sa parang,+
Dahil nagrebelde siya sa akin,”+ ang sabi ni Jehova.
18 “Ang pag-uugali at ginagawa mo ay aanihin mo.+
Napakasaklap ng kapahamakang sasapit sa iyo,
Dahil umabot na ito* sa puso mo!”
19 Hirap na hirap ako!* Hirap na hirap ako!
May matinding kirot sa puso ko.
Kumakabog ang dibdib ko.
20 Sunod-sunod ang mga kapahamakang ibinabalita,
Dahil winasak ang buong lupain.
Biglang nawasak ang sarili kong mga tolda,
Sa isang iglap, ang aking mga telang pantolda.+
Sila ay mga anak na hangal, hindi nakauunawa.
Matalino sila sa paggawa ng masama,
Pero wala silang alam sa paggawa ng mabuti.”
23 Nakita ko ang lupain; tiwangwang na at wala nang natira dito.+
Tumingin ako sa langit, at wala na ang liwanag nito.+
25 Tumingin ako, at nakita kong wala nang tao,
At ang lahat ng ibon sa langit ay lumipad na sa malayo.+
26 Tumingin ako, at nakita kong ang taniman ay naging ilang,
At ang lahat ng lunsod nito ay giba na.+
Dahil ito kay Jehova,
Dahil sa kaniyang nag-aapoy na galit.
27 Dahil ito ang sinabi ni Jehova: “Magiging tiwangwang ang buong lupain,+
Pero hindi ko ito lubusang wawasakin.
Ito ay dahil nagsalita na ako, nagpasiya na ako,
At hindi ako magbabago ng isip.* Hindi ko babawiin ang sinabi ko.+
Sumusuot sila sa mga sukal,
At umaakyat sila sa malalaking bato.+
Ang bawat lunsod ay inabandona,
At wala nang nakatira sa mga ito.”
30 Ngayong ikaw ay wasak, ano ang gagawin mo?
Dati kang nagdadamit ng matingkad na pula,
Nagsusuot ka ng mga gintong palamuti,
At naglalagay ka ng itim na pinta para palakihin ang mga mata mo.
Pero walang saysay ang pagpapaganda mo+
Dahil itinakwil ka na ng mga nagnanasa sa iyo;
Ngayon ay tinatangka nilang patayin ka.+
31 Dahil naririnig ko ang tinig na gaya ng sa babaeng may sakit,
Ang paghihirap na gaya ng sa babaeng nagsisilang ng kaniyang panganay,
Ang tinig ng anak na babae ng Sion na kinakapos ng hininga.
Sinasabi niya habang iniuunat ang kaniyang mga palad:+
“Kaawa-awa ako; pagod na ako dahil sa mga mamamatay-tao!”