-
Nehemias 10:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
37 Gayundin, ang mga unang bunga ng aming harinang magaspang+ at ang aming mga abuloy+ at ang mga bunga ng bawat uri ng punungkahoy,+ ang bagong alak+ at ang langis+ ay dadalhin namin sa mga saserdote sa mga bulwagang kainan+ ng bahay ng aming Diyos, gayundin ang ikasampu mula sa aming lupa ay sa mga Levita,+ yamang sila, ang mga Levita, ang siyang tumatanggap ng ikasampu sa lahat ng aming mga sakahang lunsod.
-
-
Nehemias 12:44Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
44 Karagdagan pa, nang araw na iyon ay may inatasang mga lalaki na mamamahala sa mga bulwagan+ para sa mga imbakan,+ para sa mga abuloy,+ para sa mga unang bunga+ at para sa mga ikasampu,+ upang tipunin sa mga iyon mula sa mga bukid ng mga lunsod ang mga takdang bahagi na hinihiling ng kautusan+ para sa mga saserdote at mga Levita;+ sapagkat ang pagsasaya ng Juda ay dahil sa mga saserdote at sa mga Levita+ na naglilingkod.
-