5 Pagkatapos ay sinabi ko sa hari: “Kung sa hari ay wari ngang mabuti,+ at kung ang iyong lingkod ay waring mabuti sa harap mo,+ isugo mo ako sa Juda, sa lunsod ng mga dakong libingan ng aking mga ninuno, upang muli kong maitayo+ iyon.”
38 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at ang lunsod ay tiyak na itatayo+ para kay Jehova mula sa Tore ng Hananel+ hanggang sa Panulukang Pintuang-daan.+
14 At titipunin kong muli ang mga nabihag sa aking bayang Israel,+ at kanila ngang itatayo ang mga nakatiwangwang na lunsod at tatahanan ang mga iyon,+ at magtatanim sila ng mga ubasan at iinumin ang alak ng mga iyon, at gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga iyon.’+