-
2 Cronica 18:18-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Pagkatapos, sinabi ni Micaias: “Pakinggan mo ang sinabi ni Jehova: Nakita ko si Jehova na nakaupo sa trono niya+ at ang buong hukbo ng langit+ na nakatayo sa kaniyang kanan at kaliwa.+ 19 Pagkatapos, sinabi ni Jehova, ‘Sino ang lilinlang kay Haring Ahab ng Israel, para makipaglaban siya at mamatay sa Ramot-gilead?’ Iba-iba ang sinasabi nila. 20 At lumapit ang isang espiritu*+ at tumayo sa harap ni Jehova at nagsabi, ‘Ako ang lilinlang sa kaniya.’ Tinanong ito ni Jehova, ‘Paano mo gagawin iyon?’ 21 Sumagot ito, ‘Pupunta ako roon at maglalagay ako ng kasinungalingan sa bibig ng lahat ng propeta niya.’ Kaya sinabi niya, ‘Linlangin mo siya, at magtatagumpay ka. Pumunta ka roon at ganoon ang gawin mo.’ 22 At ngayon, hinayaan ni Jehova ang isang espiritu na maglagay ng kasinungalingan sa bibig ng mga propeta mong ito,+ pero sinabi ni Jehova na mapapahamak ka.”
-
-
Daniel 7:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 “Patuloy akong tumingin hanggang sa may ilagay na mga trono at umupo+ ang Sinauna sa mga Araw.+ Ang damit niya ay puting gaya ng niyebe,+ at ang buhok sa ulo niya ay gaya ng malinis na lana. Ang trono niya ay mga liyab ng apoy; ang mga gulong nito ay nagniningas na apoy.+ 10 May ilog ng apoy na umaagos at lumalabas mula sa harap niya.+ May isang libong libo-libo* na patuloy na naglilingkod sa kaniya, at sampung libong tigsasampung libo* ang nakatayo sa harap niya.+ Umupo ang Hukom,*+ at may mga aklat na nabuksan.
-