-
Galacia 5:19-21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Madaling makita ang mga gawa ng laman. Ang mga ito ay seksuwal na imoralidad,+ karumihan, paggawi nang may kapangahasan,+ 20 idolatriya, espiritismo,+ alitan, pag-aaway,+ selos,+ pagsiklab ng galit, pagtatalo, pagkakabaha-bahagi, sekta,+ 21 inggit, paglalasingan,+ walang-patumanggang pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito.+ Gaya ng nasabi ko na sa inyo noon, binababalaan ko ulit kayo na ang nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+
-
-
Apocalipsis 21:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Pero para naman sa mga duwag at sa mga walang pananampalataya+ at sa mga kasuklam-suklam at marumi at sa mga mamamatay-tao+ at sa mga namimihasa sa* seksuwal na imoralidad*+ at sa mga nagsasagawa ng espiritismo at sa mga sumasamba sa idolo at sa lahat ng sinungaling,+ ihahagis sila sa lawa na nagniningas sa apoy at asupre.+ Sumasagisag ito sa ikalawang kamatayan.”+
-