Ayon kay Mateo
1 Ang aklat ng kasaysayan* ni Jesu-Kristo, na anak ni David,+ na anak ni Abraham:+
2 Naging anak ni Abraham+ si Isaac;+
naging anak ni Isaac si Jacob;+
naging anak ni Jacob si Juda+ at ang mga kapatid nito;+
3 naging anak ni Juda sina Perez at Zera+ kay Tamar;+
naging anak ni Perez si Hezron;+
naging anak ni Hezron si Ram;+
4 naging anak ni Ram si Aminadab;
naging anak ni Aminadab si Nason;+
naging anak ni Nason si Salmon;
5 naging anak ni Salmon si Boaz+ kay Rahab;+
naging anak ni Boaz si Obed+ kay Ruth;+
naging anak ni Obed si Jesse;+
Naging anak ni David si Solomon+ sa asawa ni Uria;*+
7 naging anak ni Solomon si Rehoboam;+
naging anak ni Rehoboam si Abias;+
naging anak ni Abias si Asa;+
8 naging anak ni Asa si Jehosapat;+
naging anak ni Jehosapat si Jehoram;+
naging anak ni Jehoram si Uzias;+
9 naging anak ni Uzias si Jotam;+
naging anak ni Jotam si Ahaz;+
naging anak ni Ahaz si Hezekias;+
10 naging anak ni Hezekias si Manases;+
naging anak ni Manases si Amon;+
naging anak ni Amon si Josias;+
11 naging anak ni Josias+ si Jeconias+ at ang mga kapatid nito noong panahon ng pagkatapon sa Babilonya.+
12 Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, naging anak ni Jeconias si Sealtiel;
naging anak ni Sealtiel si Zerubabel;+
13 naging anak ni Zerubabel si Abiud;
naging anak ni Abiud si Eliakim;
naging anak ni Eliakim si Azor;
14 naging anak ni Azor si Zadok;
naging anak ni Zadok si Akim;
naging anak ni Akim si Eliud;
15 naging anak ni Eliud si Eleazar;
naging anak ni Eleazar si Matan;
naging anak ni Matan si Jacob;
16 naging anak ni Jacob si Jose na asawa ni Maria, na nagsilang kay Jesus,+ na tinatawag na Kristo.+
17 Kaya ito ang mga henerasyon lahat-lahat: mula kay Abraham hanggang kay David, 14 na henerasyon; mula kay David hanggang sa pagkatapon sa Babilonya,+ 14 na henerasyon; at mula sa pagkatapon sa Babilonya hanggang sa Kristo, 14 na henerasyon.
18 Sa ganitong paraan isinilang si Jesu-Kristo. Noong ang kaniyang ina na si Maria ay nakatakda nang ikasal kay Jose,+ si Maria ay nagdalang-tao sa pamamagitan ng banal na espiritu+ bago sila nagsama. 19 Pero dahil ang asawa niyang si Jose ay matuwid at ayaw nitong maging kahiya-hiya si Maria sa mga tao, nagbalak si Jose na diborsiyuhin* siya nang palihim.+ 20 Pero matapos pag-isipan ni Jose ang mga bagay na ito, ang anghel ni Jehova ay nagpakita sa kaniya sa panaginip at nagsabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, dahil nagdadalang-tao siya sa pamamagitan ng banal na espiritu.+ 21 Siya ay magsisilang ng isang anak na lalaki, at Jesus ang ipapangalan mo sa kaniya,+ dahil ililigtas niya ang kaniyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan.”+ 22 Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng propeta niya: 23 “Ang birhen ay magdadalang-tao at magkakaanak ng isang lalaki, at papangalanan nila itong Emmanuel,”+ na kapag isinalin ay nangangahulugang “Sumasaatin ang Diyos.”+
24 Pagkagising ni Jose, ginawa niya ang iniutos sa kaniya ng anghel ni Jehova; pinakasalan niya* si Maria. 25 Pero hindi siya nakipagtalik kay Maria hanggang sa makapagsilang ito ng isang anak na lalaki,+ at ang sanggol ay pinangalanan niyang Jesus.+