Ikalawang Samuel
22 Umawit si David kay Jehova+ nang araw na iligtas siya ni Jehova mula sa kamay ng mga kaaway niya+ at mula sa kamay ni Saul.+ 2 Inawit niya:
“Si Jehova ang aking malaking bato at ang aking moog+ at tagapagligtas.+
3 Ang aking Diyos ang aking bato;+ sa kaniya ako nanganganlong,
Ang aking kalasag+ at aking sungay* ng kaligtasan,* ang aking ligtas na kanlungan*+
At lugar na matatakbuhan,+ ang aking tagapagligtas;+ inililigtas mo ako mula sa karahasan.
4 Tumatawag ako kay Jehova, na karapat-dapat purihin,
At ililigtas niya ako sa mga kaaway ko.
5 Pinaghahampas ako ng nakamamatay na mga alon;+
At natakot ako sa pagbaha ng walang-kuwentang mga tao.+
6 Ang mga lubid ng Libingan* ay pumulupot sa akin;+
Ang mga bitag ng kamatayan ay sumalubong sa akin.+
At mula sa kaniyang templo ay narinig niya ang tinig ko;
Narinig niya ang paghingi ko ng tulong.+
9 Umusok ang ilong niya,
At lumabas sa bibig niya ang tumutupok na apoy;+
Lumagablab ang nagniningas na mga baga mula sa kaniya.
11 Sumakay siya sa isang kerubin+ at dumating na lumilipad.
Kitang-kita siya sa ibabaw ng mga pakpak ng isang espiritu.*+
12 Pagkatapos, naglagay siya sa palibot niya ng kadiliman na parang tolda,+
Ng maiitim at makakapal na ulap.
13 Mula sa liwanag sa harap niya ay lumagablab ang nagniningas na mga baga.
15 Nagpakawala siya ng mga palaso,+ at nagkawatak-watak ang mga kaaway;
Nagpakidlat siya, at nalito sila.+
16 Lumitaw ang sahig ng dagat;+
Nalantad ang mga pundasyon ng lupain dahil sa pagsaway ni Jehova,
Dahil sa buga ng hangin mula sa kaniyang ilong.+
18 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway,+
Mula sa mga napopoot sa akin na mas malakas kaysa sa akin.
20 Inilabas niya ako papunta sa isang ligtas* na lugar;+
Iniligtas niya ako dahil nalulugod siya sa akin.+
21 Ginagantihan ni Jehova ang paggawa ko ng tama;+
Ginagantimpalaan niya ako dahil malinis* ang aking mga kamay.+
22 Dahil sinunod ko ang mga daan ni Jehova,
At hindi ako gumawa ng masama, hindi ko iniwan ang aking Diyos.
26 Magiging tapat ka sa mga tapat;+
Hindi mo pababayaan ang mga walang kapintasan.+
28 Dahil inililigtas mo ang mga mapagpakumbaba,+
Pero ikaw ay laban sa mga mapagmataas, at ibinababa mo sila.+
30 Sa tulong mo ay malalabanan ko ang grupo ng mga mandarambong;
Sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos ay makaaakyat ako sa pader.+
Isa siyang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.+
32 Dahil sino ang Diyos maliban kay Jehova?+
At sino ang bato maliban sa ating Diyos?+
35 Sinasanay niya ang mga kamay ko sa pakikipagdigma;
Nababaluktot ng mga bisig ko ang tansong pana.
36 Ibinibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan,
At nagiging dakila ako dahil sa iyong kapakumbabaan.+
38 Hahabulin ko at lilipulin ang mga kaaway ko;
Hindi ako babalik hangga’t hindi sila nauubos.
40 Bibigyan mo ako ng lakas para sa pakikipagdigma;+
Pababagsakin mo sa harap ko ang aking mga kalaban.+
42 Humihingi sila ng tulong, pero walang nagliligtas sa kanila;
Tumatawag pa nga sila kay Jehova, pero hindi niya sila sinasagot.+
43 Dudurugin ko sila nang pino na gaya ng alabok;
Pupulbusin ko sila at tatapakang gaya ng putik sa lansangan.
44 Ililigtas mo ako mula sa pamimintas ng aking bayan.+
45 Nakayukong lalapit sa akin ang mga dayuhan;+
Dahil sa maririnig nila tungkol sa akin ay mapapasunod ko sila.*
47 Buháy si Jehova! Purihin ang aking Bato!+
Dakilain nawa ang Diyos, ang Bato na tagapagligtas ko.+
48 Ang tunay na Diyos ang tagapaghiganti ko;+
Isinusuko niya sa akin ang mga bayan;+
49 Inililigtas niya ako sa mga kaaway ko.