Mga Kawikaan
25 Ang mga ito rin ay kawikaan ni Solomon,+ na inirekord* ng mga tauhan ni Hezekias+ na hari ng Juda:
2 Naluluwalhati ang Diyos dahil sa paglilihim ng isang bagay,+
At naluluwalhati ang mga hari dahil sa pagsasaliksik tungkol sa isang bagay.
3 Kung paanong mataas ang langit at malalim ang lupa,
Gayon din ang puso ng hari—hindi ito kayang saliksikin.
5 Alisin mo ang masamang tao sa harap ng hari,
At magiging matatag ang trono niya sa pamamagitan ng katuwiran.+
6 Huwag mong parangalan ang sarili mo sa harap ng hari,+
At huwag kang pumuwesto kasama ng mga prominente,+
7 Dahil mas mabuti pang sabihin niya sa iyo, “Umakyat ka rito,”
Kaysa ipahiya ka niya sa harap ng isang maharlika.+
8 Huwag kang magmadali sa pagsasampa ng kaso,
Dahil ano ang gagawin mo kapag ipinahiya ka ng kapuwa mo?+
9 Makipag-ayos ka sa kapuwa mo,+
Pero huwag mong ipagkalat ang lihim na sinabi sa iyo,*+
10 Dahil ipapahiya ka ng nakarinig sa iyo
At hindi mo na mababawi ang masamang bagay* na ikinalat mo.
12 Gaya ng gintong hikaw at palamuting yari sa purong ginto
Ang matalinong tagasaway para sa taong nakikinig.+
13 Gaya ng lamig ng niyebe sa araw ng pag-aani
Ang tapat na mensahero para sa nagsugo sa kaniya,
Dahil pinagiginhawa niya ang panginoon niya.+
14 Gaya ng ulap at hangin na walang dalang ulan
Ang taong nagyayabang tungkol sa regalong hindi naman niya ibinigay.*+
15 Dahil sa pagiging matiisin, nahihikayat ang kumandante,
16 Kapag nakakita ka ng pulot-pukyutan, kumain ka lang ng sapat,
Dahil kapag nasobrahan ka, baka isuka mo lang iyon.+
17 Paminsan-minsan ka lang pumunta sa bahay ng kapuwa mo,
Para hindi siya magsawa sa iyo at kainisan* ka.
18 Ang testigong nagsisinungaling laban sa kapuwa niya
Ay gaya ng pamalong pandigma, espada, at matulis na palaso.+
19 Ang di-maaasahang tao* na pinagtitiwalaan sa panahon ng problema
Ay gaya ng basag na ngipin at pilay na paa.
20 Gaya ng taong naghuhubad ng damit sa malamig na panahon
At gaya ng sukà na inihalo sa sosa*
Ang isang mang-aawit na kinakantahan ang pusong nalulungkot.+
21 Kung nagugutom ang kaaway mo,* bigyan mo siya ng tinapay;
Kung nauuhaw siya, bigyan mo siya ng tubig;+
22 Sa gayon, makapagtutumpok ka ng baga sa ulo niya,*+
At gagantimpalaan ka ni Jehova.
23 Ang hangin mula sa hilaga ay nagdadala ng ulan;
Nagdadala naman ng galit ang dilang nagkakalat ng tsismis.+
24 Mas mabuti pang tumira sa bubong*
Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+