Isaias
14 Dahil maaawa si Jehova sa Jacob,+ at muli niyang pipiliin ang Israel.+ Patitirahin* niya sila sa kanilang lupain,+ at ang mga dayuhan ay sasama sa kanila at makikiisa sa sambahayan ni Jacob.+ 2 At dadalhin sila ng mga bayan sa sarili nilang lugar, at ang mga ito ay magiging pag-aari ng sambahayan ng Israel bilang kanilang mga aliping lalaki at babae+ sa lupain ni Jehova; bibihagin nila ang mga bumihag sa kanila at pamumunuan ang mga dating nagpapatrabaho sa kanila nang sapilitan.
3 Sa araw na paginhawahin ka ni Jehova sa kirot at sa kaligaligan at sa malupit na pang-aalipin,+ 4 bibigkasin mo ang kasabihang* ito laban sa hari ng Babilonya:
“Wala na ang dating nagpapatrabaho nang sapilitan!
Nagwakas na ang pagmamalupit!+
5 Binali ni Jehova ang pamalo ng masama,
Ang baston ng mga namamahala,+
6 Na malupit at walang tigil na humahampas sa mga bayan+
At galit na sumasakop at walang lubay na umuusig sa mga bansa.+
7 Ang buong lupa ay panatag na at may kapayapaan.
Ang mga tao ay humihiyaw sa kagalakan.+
8 Maging ang mga puno ng enebro ay nagsasaya sa nangyari sa iyo,
Pati ang mga sedro ng Lebanon.
Sinasabi nila, ‘Mula nang bumagsak ka,
Wala nang pumuputol sa amin.’
Dahil sa iyo, ginigising nito ang mga patay,
Ang lahat ng malulupit na pinuno* sa lupa.
Pinatatayo nito ang lahat ng hari ng mga bansa mula sa mga trono nila.
10 Silang lahat ay nagsasalita at nagsasabi sa iyo,
‘Mahina ka na rin bang gaya namin?
Naging gaya ka na ba namin?
Ang mga uod ay nasa ilalim mo na gaya ng higaang nakalatag,
At mga bulati ang iyong kumot.’
12 Nahulog ka mula sa langit,
Ikaw na nagniningning, anak ng bukang-liwayway!
Pinutol ka at pinabagsak sa lupa,
Ikaw na lumupig sa mga bansa!+
13 Sinabi mo sa sarili, ‘Aakyat ako sa langit.+
Itataas ko ang trono ko sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos,+
At uupo ako sa bundok ng pagpupulong,
Sa pinakamalalayong bahagi ng hilaga.+
14 Aakyat ako sa mas mataas pa sa mga ulap;
Gagawin kong katulad ng Kataas-taasan ang aking sarili.’
16 Mapapatitig sa iyo ang mga makakakita sa iyo;
Titingnan ka nilang mabuti at sasabihin,
‘Ito ba ang lalaking yumanig sa mundo
At nagpanginig sa mga kaharian?+
17 Hindi ba ginawa niyang ilang ang lupa
At pinabagsak ang mga lunsod nito+
At hindi siya nagpapalaya ng mga bilanggo?’+
18 Ang lahat ng iba pang hari ng mga bansa,
Oo, silang lahat, ay humiga na sa kaluwalhatian,
Sa kani-kanilang libingan.*
19 Pero ikaw ay hindi na inilibing,
Gaya ng kinasusuklamang sibol;*
Natatabunan ka ng mga namatay sa espada,
Na inihagis sa mabatong hukay;
Gaya ka ng bangkay na tinatapak-tapakan.
20 Hindi mo sila makakasama sa libingan,
Dahil sinira mo ang sarili mong lupain,
Pinatay mo ang sarili mong bayan.
Ang supling ng masasama ay hindi na muling mababanggit.
21 Maghanda kayo ng isang lugar para sa pagpatay sa mga anak niyang lalaki
Dahil sa kasalanan ng mga ninuno nila,
Para hindi nila pagharian ang mundo
At punuin ang lupa ng kanilang mga lunsod.”
22 “Kikilos ako laban sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
“At ang Babilonya ay aalisan ko ng pangalan at mga nalabi at mga supling at mga inapo,”+ ang sabi ni Jehova.
23 “At gagawin ko siyang pag-aari ng mga porcupino at isang latian, at wawalisin ko siya ng walis na pamuksa,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
24 Sumumpa si Jehova ng mga hukbo:
“Kung ano ang gusto kong mangyari, iyon ang magaganap,
At kung ano ang ipinasiya ko, iyon ang matutupad.
Ang pamatok niya ay aalisin sa bayan ko,
At ang pabigat niya ay aalisin sa balikat nila.”+
Nakaunat ang kamay niya,
Sino ang makapagpapaurong nito?+
28 Noong taóng mamatay si Haring Ahaz,+ dumating ang mensaheng ito:
29 “Huwag kang magsaya, O Filistia, sinuman sa iyo,
Dahil lang sa nabali ang pamalo ng humahampas sa iyo.
Dahil mula sa lahi* ng serpiyente+ ay may lalabas na makamandag na ahas,+
At ang magiging supling nito ay isang lumilipad at malaapoy na ahas.*
30 Ang panganay ng mga maralita ay kakain,
At panatag na hihiga ang mga dukha,
Pero papatayin ko sa gutom ang bayan* mo,
At ang matitira sa iyo ay papaslangin.+
31 Humagulgol ka, O pintuang-daan! Humiyaw ka, O lunsod!
Kayong lahat ay masisiraan ng loob, O Filistia!
Dahil may usok na dumarating mula sa hilaga,
At walang sundalong napapahiwalay sa hukbo niya.”
32 Ano ang isasagot nila sa mga mensahero ng bansa?