Isaias
62 Alang-alang sa Sion ay hindi ako mananahimik,+
At alang-alang sa Jerusalem ay hindi ako magsasawalang-kibo
Hanggang sa suminag ang katuwiran niya na gaya ng maningning na liwanag+
At magningas ang kaligtasan niya na gaya ng sulo.+
2 “Makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, O babae,+
At ng lahat ng hari ang iyong kaluwalhatian.+
At tatawagin ka sa isang bagong pangalan,+
Na si Jehova mismo ang magbibigay.
3 Ikaw ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Jehova,
Isang turbante ng hari sa palad ng iyong Diyos.
4 Hindi ka na tatawaging isang babaeng pinabayaan,+
At ang lupain mo ay hindi na tatawaging tiwangwang,+
Kundi tatawagin kang Siya ang Kaluguran Ko,+
At ang lupain mo ay tatawaging Asawang Babae.
Dahil malulugod sa iyo si Jehova,
At ang lupain mo ay magiging gaya ng isang may-asawa.
5 Dahil kung paanong pinakakasalan ng isang binata ang isang dalaga,
Pakakasalan ka ng iyong mga anak.
Kung paanong nagsasaya ang lalaking ikakasal dahil sa mapapangasawa niya,
Ang iyong Diyos ay magsasaya dahil sa iyo.+
6 Sa mga pader mo, O Jerusalem, ay naglagay ako ng mga bantay.
Sa buong araw at buong gabi, hindi sila dapat manahimik.
Kayo na bumabanggit kay Jehova,
Huwag kayong magpahinga,
7 At huwag ninyo siyang pagpahingahin hanggang sa mapatatag niya ang Jerusalem,
Oo, hanggang sa magawa niya itong kapurihan ng buong lupa.”+
8 Ipinanumpa ni Jehova ang kaniyang kanang kamay, pati ang kaniyang malakas na bisig:
“Hindi ko na ibibigay ang iyong butil bilang pagkain ng mga kaaway mo,
At hindi na iinumin ng mga banyaga ang iyong bagong alak, na pinagpaguran mo.+
9 Ang mga nagtitipon nito ang kakain nito at pupurihin nila si Jehova;
At ang mga nagtitipon nito ang iinom nito sa aking mga banal na looban.”+
10 Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga pintuang-daan.
Hawanin ninyo ang daan para sa bayan.+
Gumawa kayo ng lansangan.
Alisan ninyo iyon ng bato.+
Maglagay kayo ng isang palatandaan* para sa mga bayan.+
11 Inihayag ni Jehova hanggang sa mga dulo ng lupa:
“Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion,
‘Parating na ang kaligtasan mo.+
Ang gantimpala niya ay nasa kaniya,
At ang kabayarang ibibigay niya ay nasa harap niya.’”+