Job
2 Sumisibol siyang gaya ng bulaklak at pagkatapos ay nalalanta;*+
Gaya siya ng aninong mabilis na nawawala.+
4 Sinong marumi ang makapagsisilang ng malinis?+
Wala!
5 Kung napagpasiyahan na ang mga araw niya,
Nasa kamay mo ang bilang ng mga buwan niya;
Nagtakda ka ng limitasyon para hindi siya lumampas dito.+
6 Alisin mo ang tingin mo sa kaniya para makapagpahinga siya,
Hanggang sa matapos niya ang araw niya, gaya ng upahang trabahador.+
7 Dahil may pag-asa kahit ang isang puno.
Kung putulin ito, tutubo itong muli
At sisibol ang mga sanga nito.
8 Kung ang ugat nito ay tumanda na sa lupa
At matuyo ang tuod nito,
9 Tutubo ito kapag nakaamoy ng tubig;
At sisibol ang mga sanga nito, gaya sa batang halaman.
11 Naglalaho ang tubig sa dagat,
At nauubos ang tubig sa ilog at natutuyo.
12 Ganiyan din ang tao; humihiga siya at hindi na bumabangon.+
Hangga’t may langit, hindi siya gigising,
At walang makagigising sa kaniya mula sa pagkatulog.+
13 O itago mo nawa ako sa Libingan;*+
Itago mo ako hanggang sa mawala ang galit mo;
Magtakda ka nawa ng panahon at alalahanin mo ako!+
14 Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?+
Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay ako
Hanggang sa dumating ang kaginhawahan ko.+
15 Tatawag ka, at sasagot ako.+
Mananabik ka sa* gawa ng iyong mga kamay.
16 Pero sa ngayon, lagi mong binibilang ang mga hakbang ko;
Kasalanan ko lang ang binabantayan mo.
17 Ang pagsuway ko ay nakalagay sa isang selyadong sisidlan,
At nilalagyan mo ng pandikit ang sisidlan ng pagkakamali ko.
18 Kung paanong gumuguho ang bundok
At naaalis ang malaking bato sa kinalalagyan nito,
19 Kung paanong nasisira ng tubig ang mga bato,
At ang lupa ay natatangay ng agos nito,
Gayon mo inaalis ang pag-asa ng taong mortal.
21 Pinararangalan ang mga anak niya, pero hindi niya iyon nakikita;
Binabale-wala sila, pero hindi niya iyon nalalaman.+
22 Nakadarama lang siya ng kirot
At nagdadalamhati habang buháy pa siya.”