Amos
2 “Ito ang sinabi ni Jehova,
‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik* ng Moab,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,
Dahil sinunog niya ang mga buto ng hari ng Edom para maging apog.
2 Kaya magpapadala ako ng apoy sa Moab,
At tutupukin nito ang matitibay na tore ng Keriot;+
Mamamatay ang Moab sa gitna ng ingay,
Na may hudyat ng labanan, na may tunog ng tambuli.+
3 Aalisin ko ang namamahala* sa kaniya,
At papatayin ko ang lahat ng opisyal na kasama nito,”+ ang sabi ni Jehova.’
4 Ito ang sinabi ni Jehova,
‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Juda,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,
Dahil tinanggihan nila ang kautusan* ni Jehova,
At dahil hindi nila sinunod ang mga tuntunin niya.+
Ang mismong kasinungalingang sinunod ng kanilang mga ninuno ang nagligaw sa kanila.+
6 Ito ang sinabi ni Jehova,
‘Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng Israel,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,
Dahil ipinagbibili nila ang mga matuwid kapalit ng pilak,
At ang mahihirap kapalit ng isang pares ng sandalyas.+
Nakikipagtalik ang isang lalaki at ang ama nito sa iisang babae,
At nalalapastangan ang aking banal na pangalan.
8 Sa tabi ng bawat altar, humihilata sila+ sa mga damit na inagaw nila bilang panagot sa utang;+
At ang alak na iniinom nila sa bahay* ng kanilang mga diyos ay galing sa mga pinagmulta nila.’
9 ‘Pero ako ang pumuksa sa mga Amorita sa harap nila,+
Na kasintaas ng mga punong sedro at kasintatag ng mga punong ensina;
Winasak ko ang bunga niya sa itaas at ang ugat niya sa ibaba.+
Para kunin ang lupain ng mga Amorita.
11 Ginawa kong propeta ang ilan sa mga anak ninyo+
At ang ilan sa mga kabataang lalaki ninyo ay ginawa kong Nazareo,+
Hindi ba, O bayan ng Israel?’ ang sabi ni Jehova.
12 ‘Pero patuloy ninyong binibigyan ng alak na maiinom ang mga Nazareo,+
At inuutusan ninyo ang mga propeta: “Huwag kayong manghula.”+
13 Kaya dudurugin ko kayo sa kinaroroonan ninyo,
Kung paanong dinudurog ng karitong may kargang bagong-aning butil ang dinadaanan nito.
14 Ang matulin ay walang matatakasan,+
Ang malakas ay magiging mahina,
At walang mandirigma na makapagliligtas ng kaniyang buhay.
15 Ang mamamanà ay hindi tatagal sa labanan,
Ang matuling tumakbo ay hindi makatatakas,
At ang mangangabayo ay hindi makapagliligtas ng kaniyang buhay.