Job
31 “Nakipagtipan ako sa mga mata ko.+
Kaya paano ko magagawang tumingin nang may pagnanasa sa isang dalaga?+
2 Kung gagawin ko iyon, ano ang magiging bahagi ko mula sa Diyos sa itaas?
Ano ang mana ko mula sa Makapangyarihan-sa-Lahat sa kaitaasan?
3 Hindi ba kapahamakan ang naghihintay sa gumagawa ng masama
At trahedya sa mga gumagawa ng nakasasakit?+
5 Lumakad ba ako sa landas ng kasinungalingan?*
Nagmadali ba ang paa ko para manlinlang?+
7 Kung lumihis sa daan ang aking hakbang+
O kung ang puso ko ay sumunod sa mga mata ko+
O kung nadungisan ang aking mga kamay,
8 Kainin nawa ng iba ang inihasik ko+
At mabunot nawa ang itinanim* ko.
9 Kung ang puso ko ay naakit sa isang babae+
At nag-abang ako+ sa pintuan ng kapuwa ko,
10 Maggiling nawa ang asawa ko ng butil para sa ibang lalaki
11 Dahil kung ginawa ko iyon, iyon ay kahiya-hiyang paggawi,
Isang kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom.+
13 Kung pinagkaitan ko ng katarungan ang aking aliping lalaki o babae
Noong may reklamo* sila laban sa akin,
Ano ang isasagot ko kapag tinanong niya ako?+
15 Hindi ba ang lumikha sa akin sa sinapupunan ay ang lumikha rin sa kanila?+
Hindi ba iisa lang ang gumawa sa amin bago kami ipanganak?+
16 Kung ipinagkait ko sa mahihirap ang kahilingan nila+
O pinalungkot* ko ang mga mata ng biyuda;+
17 Kung mag-isa kong inubos ang pagkain ko
At hindi ko binigyan ang mga ulila;+
18 (Dahil mula noong kabataan ko, naging gaya na ako ng ama para sa ulila,*
19 Kung may nakita akong taong walang damit at mamamatay na sa lamig
O ng dukha na walang maisuot;+
20 Kung hindi niya ako pinasalamatan*+
Habang nagpapainit siya gamit ang balahibo ng tupa ko;
21 Kung pinagbantaan ko ang ulila gamit ang kamao ko+
Noong kailangan niya ang tulong ko* sa pintuang-daan ng lunsod;+
22 Kung gayon, matanggal nawa ang braso* ko mula sa balikat
At mabali nawa ang braso ko sa bandang siko.*
23 Dahil natatakot ako sa kapahamakan mula sa Diyos,
At hindi ako makatatayo sa harap ng kaluwalhatian niya.
25 Kung ang malaking kayamanan ko ang nagpapaligaya sa akin+
Dahil marami akong tinataglay;+
26 Kung nakita ko ang araw* na sumisinag
O ang magandang buwan na naglalakbay sa kalangitan;+
27 At lihim na naakit ang puso ko,
At hinalikan ko ang aking kamay para sambahin ang mga ito;+
28 Kung gayon, iyon ay kasalanang dapat lapatan ng parusa ng mga hukom,
Dahil iyon ay pagtalikod sa tunay na Diyos sa itaas.
29 Nagsasaya ba ako kapag napapahamak ang kaaway ko+
O natutuwa dahil may masamang nangyari sa kaniya?
31 Hindi ba sinabi ng mga taong nasa loob ng tolda ko,
‘Mayroon bang hindi nabubusog sa inihanda niyang pagkain?’*+
32 Walang estranghero* ang nagpapalipas ng gabi sa labas;+
Pinagbubuksan ko ng pinto ang manlalakbay.
33 Pinagtatakpan ko ba ang mga kasalanan ko, gaya ng ginagawa ng iba,+
At itinatago ang pagkakamali ko sa bulsa ng damit ko?
34 Natatakot ba ako sa reaksiyon ng mga tao
O sa panghahamak ng ibang pamilya
At nananahimik na lang at natatakot lumabas?
35 Kung may makikinig lang sana sa akin!+
Lalagyan ko ng lagda ang sinabi ko.*
Sagutin nawa ako ng Makapangyarihan-sa-Lahat!+
Kung isinulat lang sana* ng nag-aakusa sa akin ang mga paratang niya!
36 Papasanin ko ang dokumentong iyon
At ilalagay ko sa ulo ko na gaya ng korona.
37 Iisa-isahin ko sa kaniya ang mga hakbang ko;
Taas-noo akong lalapit sa kaniya gaya ng isang prinsipe.
38 Kung dumaing laban sa akin ang sarili kong lupa
At magkakasamang umiyak ang mga tudling* nito;
39 Kung kinain ko ang bunga nito nang walang bayad,+
O kung pinahirapan ko ang mga may-ari nito;+
40 Matitinik na halaman sana ang tumubo rito imbes na trigo,
At mababahong panirang-damo imbes na sebada.”
Dito nagtatapos ang mga salita ni Job.