Mga Awit
Sa direktor. Awit ng lingkod ni Jehova na si David para kay Jehova nang araw na iligtas siya ni Jehova sa kamay ng lahat ng kaaway niya at sa kamay ni Saul. Sinabi niya:+
18 Mahal kita, O Jehova, na aking kalakasan.+
2 Si Jehova ang aking malaking bato at ang aking moog at tagapagligtas.+
Ang aking Diyos ang aking bato;+ sa kaniya ako nanganganlong,
Ang aking kalasag at aking sungay* ng kaligtasan,* ang aking ligtas na kanlungan.*+
5 Ang mga lubid ng Libingan* ay pumulupot sa akin;
Ang mga bitag ng kamatayan ay sumalubong sa akin.+
6 Sa kagipitan ay tumawag ako kay Jehova,
Patuloy akong humihingi ng tulong sa aking Diyos.
Mula sa kaniyang templo ay narinig niya ang tinig ko,+
At narinig niya ang paghingi ko sa kaniya ng tulong.+
7 Pagkatapos, nayanig ang lupa at umuga;+
Ang mga pundasyon ng kabundukan ay nayanig
At umuga dahil ginalit siya.+
8 Umusok ang ilong niya,
At lumabas sa bibig niya ang tumutupok na apoy;+
Lumagablab ang nagniningas na mga baga mula sa kaniya.
10 Sumakay siya sa isang kerubin at dumating na lumilipad.+
Mabilis siyang dumating sakay ng mga pakpak ng isang espiritu.*+
11 Pagkatapos, itinago niya ang sarili niya sa kadiliman,+
Sa maiitim at makakapal na ulap,
Na nakapalibot sa kaniya na parang tolda.+
12 Mula sa liwanag sa harap niya
Ay bumagsak ang mga tipak ng yelo* at nagniningas na mga baga mula sa mga ulap.
13 At nagpakulog si Jehova sa langit;+
Ipinarinig ng Kataas-taasan ang kaniyang tinig+
At bumagsak ang mga yelo at nagniningas na mga baga.
14 Nagpakawala siya ng mga palaso, at nagkawatak-watak ang mga kaaway;+
Nagpakidlat siya, at nalito sila.+
15 Lumitaw ang sahig ng mga ilog;*+
Nalantad ang mga pundasyon ng lupain dahil sa pagsaway mo, O Jehova,
Dahil sa buga ng hangin mula sa iyong ilong.+
17 Iniligtas niya ako mula sa malakas kong kaaway,+
Mula sa mga napopoot sa akin na mas malakas kaysa sa akin.+
19 Inilabas niya ako papunta sa isang ligtas* na lugar;
Iniligtas niya ako dahil nalulugod siya sa akin.+
20 Ginagantihan ni Jehova ang paggawa ko ng tama;+
Ginagantimpalaan niya ako dahil malinis* ang aking mga kamay.+
21 Dahil sinunod ko ang mga daan ni Jehova,
At hindi ako gumawa ng masama, hindi ko iniwan ang aking Diyos.
25 Magiging tapat ka sa mga tapat;+
Hindi mo pababayaan ang mga walang kapintasan;+
26 Sa mga taong dalisay ay ipinapakita mong dalisay ka,+
Pero sa masasama ay ipinapakita mong matalino ka.+
28 Dahil ikaw ang nagsisindi ng aking lampara, O Jehova,
Ang aking Diyos na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman ko.+
29 Sa tulong mo ay malalabanan ko ang grupo ng mga mandarambong;+
Sa tulong ng kapangyarihan ng Diyos ay makaaakyat ako sa pader.+
Isa siyang kalasag sa lahat ng nanganganlong sa kaniya.+
31 Dahil sino ang Diyos maliban kay Jehova?+
At sino ang bato maliban sa ating Diyos?+
34 Sinasanay niya ang mga kamay ko sa pakikipagdigma;
Nababaluktot ng mga bisig ko ang tansong pana.
35 Ibinibigay mo sa akin ang iyong kalasag ng kaligtasan,+
Inaalalayan ako ng iyong kanang kamay,
At nagiging dakila ako dahil sa iyong kapakumbabaan.+
37 Hahabulin ko at aabutan ang mga kaaway ko;
Hindi ako babalik hangga’t hindi sila nauubos.
39 Bibigyan mo ako ng lakas para sa pakikipagdigma;
Pababagsakin mo sa harap ko ang aking mga kalaban.+
41 Humihingi sila ng tulong, pero walang nagliligtas sa kanila;
Tumatawag pa nga sila kay Jehova, pero hindi niya sila sinasagot.
42 Dudurugin ko sila nang pino na gaya ng alabok sa hangin;
Itatapon ko sila na gaya ng putik sa lansangan.
43 Ililigtas mo ako mula sa pamimintas ng bayan.+
Aatasan mo ako bilang pinuno ng mga bansa.+
Paglilingkuran ako ng bayan na hindi ko kilala.+
46 Buháy si Jehova! Purihin ang aking Bato!+
Dakilain nawa ang Diyos na tagapagligtas ko.+
48 Inililigtas niya ako sa galit kong mga kaaway.
Itinataas mo ako mula sa mga sumasalakay sa akin;+
Sinasagip mo ako mula sa taong marahas.