Unang Samuel
2 Pagkatapos ay nanalangin si Hana:
May maisasagot na ako sa mga kaaway ko,*
Dahil nagsasaya ako sa iyong pagliligtas.
2 Walang sinumang banal na gaya ni Jehova,
Wala nang iba maliban sa iyo,+
At walang bato na gaya ng aming Diyos.+
3 Huwag na kayong magsalita nang may kayabangan;
Huwag lumabas sa inyong bibig ang kahambugan,
Dahil si Jehova ay Diyos ng kaalaman,+
At ang mga gawa ng tao ay natitimbang niya nang tama.
8 Itinatayo niya ang hamak mula sa alabok;
Ibinabangon niya ang mahihirap mula sa bunton ng abo,*+
Para paupuin sila kasama ng matataas na opisyal
At bigyan ng upuang para sa mga taong marangal.
Kay Jehova ang mga pundasyon ng lupa,+
At ipinapatong niya sa mga iyon ang mabungang lupain.
9 Binabantayan niya ang hakbang ng mga tapat sa kaniya,+
Pero ang masasama ay patatahimikin sa kadiliman,+
Dahil hindi lakas ang nagbibigay ng tagumpay sa isang tao.+
11 Pagkatapos, umuwi si Elkana sa bahay niya sa Rama, pero ang bata ay naging lingkod ni Jehova+ sa patnubay ng saserdoteng si Eli.
12 Ang mga anak ni Eli ay masasamang lalaki;+ wala silang paggalang kay Jehova. 13 Sa halip na kunin lang ang parte nila sa handog na dinadala ng mga tao, ganito ang ginagawa nila:+ Kapag may nag-aalay ng handog, dumarating ang isang tagapaglingkod ng saserdote na may dalang tinidor na tatlo ang tulis habang pinakukuluan ang karne, 14 at itutusok niya iyon sa lutuan, sa kaldero na may dalawang hawakan, sa kawa, o sa kaldero na may isang hawakan. Anuman ang makuha ng tinidor ay kinukuha ng saserdote para sa sarili niya. Ganiyan ang ginagawa nila sa Shilo sa lahat ng Israelita na dumarating doon. 15 At bago pa mapausok ng taong naghahandog ang taba,+ isang tagapaglingkod ng saserdote ang dumarating at nagsasabi sa kaniya: “Magbigay ka sa saserdote ng karneng iihawin. Hindi siya tatanggap ng pinakuluang karne, kundi ng hilaw lang.” 16 Kapag sinabi sa kaniya ng naghahandog: “Hayaan mo munang mapausok nila ang taba,+ saka mo kunin ang anumang gusto mo,” sasabihin niya: “Hindi, ibigay mo na sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko iyan nang sapilitan!” 17 Kaya naging napakalaki ng kasalanan ng mga tagapaglingkod sa paningin ni Jehova,+ dahil nilapastangan nila ang handog kay Jehova.
18 Kahit bata pa si Samuel, naglilingkod na siya+ sa harap ni Jehova, at may suot* siyang linong epod.*+ 19 At ginagawan siya ng kaniyang ina ng isang maliit na damit na walang manggas, at ibinibigay iyon sa kaniya ng kaniyang ina taon-taon kapag sumasama ito sa asawa nito para mag-alay ng taunang handog.+ 20 At pinagpala ni Eli si Elkana at ang asawa nito at sinabi: “Bigyan ka nawa ni Jehova ng isang anak mula sa asawang babaeng ito kapalit ng ibinigay* kay Jehova.”+ At umuwi na sila. 21 Binigyang-pansin ni Jehova si Hana, kaya nagdalang-tao siya;+ at nagsilang pa siya ng tatlong anak na lalaki at dalawang anak na babae. At ang batang si Samuel ay lumaking naglilingkod kay Jehova.*+
22 Napakatanda na ngayon ni Eli, at nabalitaan niya ang lahat ng ginagawa ng mga anak niya+ sa buong Israel at na sinisipingan nila ang mga babaeng naglilingkod sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.+ 23 Sinasabi niya sa kanila: “Bakit patuloy ninyong ginagawa ang mga bagay na ito? Naririnig ko sa lahat ang masasamang ginagawa ninyo. 24 Huwag ganiyan, mga anak ko, hindi maganda ang balitang kumakalat sa bayan ni Jehova. 25 Kung ang isang tao ay magkasala sa isa pang tao, may puwedeng makiusap kay Jehova para sa kaniya;* pero kung kay Jehova magkasala ang isang tao,+ sino ang mananalangin para sa kaniya?” Pero hindi sila nakinig sa kanilang ama, dahil ipinasiya na ni Jehova na patayin sila.+ 26 Samantala, ang batang si Samuel ay patuloy na lumaki at napamahal kay Jehova at sa mga tao.+
27 Isang lingkod ng Diyos ang pumunta kay Eli at nagsabi sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Hindi ba ipinakilala ko ang sarili ko sa sambahayan ng iyong ninuno habang sila ay nasa Ehipto bilang mga alipin sa sambahayan ng Paraon?+ 28 At pinili siya mula sa lahat ng tribo ng Israel+ para maglingkod bilang saserdote ko at umakyat sa aking altar+ para mag-alay ng handog at ng insenso,* at magsuot ng epod sa harap ko; at ibinigay ko sa sambahayan ng iyong ninuno ang lahat ng handog ng mga Israelita na pinaraan sa apoy.+ 29 Bakit ninyo nilalapastangan* ang hain at handog para sa akin na iniutos kong dalhin sa aking bahay?+ Bakit mas pinararangalan mo ang mga anak mo kaysa sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili mula sa pinakamagandang parte ng bawat handog ng bayan kong Israel?+
30 “‘Kaya ganito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: “Totoo, sinabi ko noon na ang sambahayan mo at ang sambahayan ng iyong ninuno ay laging maglilingkod sa harap ko.”+ Pero ngayon ay sinasabi ni Jehova: “Hinding-hindi ko papayagang mangyari iyan, dahil ang mga nagpaparangal sa akin ay pararangalan ko,+ pero ang mga humahamak sa akin ay hahamakin.” 31 Makinig ka! Darating ang panahon na aalisin ko ang lakas* mo at ng sambahayan ng iyong ninuno, para walang sinuman sa iyong sambahayan ang umabot sa katandaan.+ 32 Samantalang nasa mabuting kalagayan ang Israel, makikita mo sa aking bahay ang isang kalaban;+ at hindi na magkakaroon ng isa mang matanda sa iyong sambahayan. 33 Ang lalaki sa iyong sambahayan na hindi ko aalisin sa paglilingkod sa aking altar ay magpapalabo ng mga mata mo at magdudulot sa iyo ng dalamhati, pero ang karamihan sa sambahayan mo ay mamamatay sa espada.+ 34 At para malaman mong totoo ang sinasabi ko sa iyo, ganito ang mangyayari sa dalawa mong anak na sina Hopni at Pinehas: Sa iisang araw ay pareho silang mamamatay.+ 35 At pipili ako ng isang tapat na saserdote.+ Gagawin niya ang kalooban ko;* at patatatagin ko ang sambahayan niya, at patuloy siyang maglilingkod bilang saserdote para sa pinili* ko. 36 At sinumang matitira sa sambahayan mo ay pupunta at yuyukod sa kaniya para sa kabayarang pera at isang tinapay at magsasabi: “Pakisuyo, bigyan mo ako ng isa sa mga trabaho ng saserdote para may makain akong tinapay.”’”+