Mga Kawikaan
23 Kapag kumakain kang kasama ng hari,
Pag-isipan mong mabuti kung ano ang nasa harap mo;
2 Maglagay ka ng kutsilyo sa lalamunan mo*
Kung malakas kang kumain.*
3 Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkain
Dahil mapanlinlang ang mga iyon.
4 Huwag kang magpakapagod para mag-ipon ng kayamanan.+
Tumigil ka at magpakita ng unawa.*
5 Kapag tiningnan mo iyon, wala na iyon doon,+
Dahil tiyak na tutubuan iyon ng mga pakpak na gaya ng sa agila at lilipad sa langit.+
6 Huwag mong kainin ang pagkain ng kuripot;*
Huwag mong hangarin ang kaniyang masasarap na pagkain
7 Dahil inililista niya iyon.
“Kumain ka at uminom,” ang sabi niya sa iyo, pero hindi iyon bukal sa loob niya.*
8 Isusuka mo ang kinain mo,
At masasayang lang ang mga papuri mo.
10 Huwag kang mag-uusod ng sinaunang muhon*+
O papasok nang walang paalam sa bukid ng mga walang ama.
12 Ituon mo ang puso mo sa disiplina
At ang tainga mo sa mga salita ng kaalaman.
13 Huwag mong ipagkait sa bata* ang disiplina.+
Hindi siya mamamatay dahil sa pamalo.
17 Huwag mong hayaang mainggit ang puso mo sa mga makasalanan,+
Kundi matakot ka kay Jehova buong araw;+
18 Dahil diyan, magiging maganda ang kinabukasan mo+
At hindi mawawala ang iyong pag-asa.
19 Makinig ka, anak ko, at maging marunong,
At ituon mo ang puso mo sa tamang daan.
20 Huwag kang maging gaya ng* malalakas uminom ng alak,+
Ng matatakaw sa karne,+
21 Dahil ang lasenggo at matakaw ay maghihirap,+
At ang pagkaantok nila ay magdaramit sa kanila ng basahan.
22 Makinig ka sa iyong ama na dahilan ng pagsilang mo,
At huwag mong hamakin ang iyong ina dahil lang sa matanda na siya.+
24 Ang ama ng matuwid ay tiyak na magagalak;
Ang amang may marunong na anak ay magsasaya dahil sa kaniya.
25 Ang iyong ama at ina ay magsasaya,
At ang nagsilang sa iyo ay magagalak.
29 Sino ang may problema? Sino ang di-mapakali?
Sino ang nakikipagtalo? Sino ang may reklamo?
Sino ang may mga sugat nang walang dahilan? Sino ang may mapupulang mata?*
31 Huwag kang tumingin sa mapulang kulay ng alak;
Kumikislap ito sa baso at humahagod nang suwabe,
32 Pero sa huli ay nanunuklaw itong gaya ng ahas
At naglalabas ng lason na gaya ng ulupong.
35 Sasabihin mo: “Pinalo nila ako, pero hindi ko naramdaman.*
Hinampas nila ako, pero hindi ko namalayan.
Kailan ako magigising?+
Gusto ko pang uminom.”*