Mga Kawikaan
4 Isinasaayos* ni Jehova ang lahat ng bagay para matupad ang layunin niya,
Pati ang pagkapuksa ng masasama sa araw ng kapahamakan nila.+
5 Kasuklam-suklam kay Jehova ang sinumang mapagmataas ang puso.+
Makakatiyak kang mapaparusahan siya.
6 Naipagbabayad-sala ang pagkakamali dahil sa tapat na pag-ibig at katapatan,+
At lumalayo ang tao sa kasamaan dahil sa pagkatakot kay Jehova.+
7 Kapag nalulugod si Jehova sa ginagawa ng isang tao,
Pinangyayari niyang makipagpayapaan dito kahit ang mga kaaway nito.+
9 Maipaplano ng tao sa puso niya ang kaniyang landasin,
Pero si Jehova ang gumagabay sa mga hakbang niya.+
10 Ang pasiya ng Diyos ay dapat na nasa mga labi ng hari;+
Dapat na lagi siyang maging makatarungan.+
11 Mula kay Jehova ang wastong panukat at timbangan;
Galing sa kaniya ang lahat ng batong panimbang na nasa supot.+
12 Kasuklam-suklam sa mga hari ang masasamang paggawi,+
Dahil nagiging matatag ang trono sa pamamagitan ng katuwiran.+
13 Kalugod-lugod sa mga hari ang matuwid na pananalita.
Mahal nila ang mga nagsasabi ng totoo.+
15 Ang liwanag sa mukha* ng hari ay nagbibigay-buhay;
Ang pagsang-ayon niya ay gaya ng ulap na may hatid na ulan sa tagsibol.+
16 Mas mabuting magkaroon ng karunungan kaysa ng ginto!+
Mas mabuting piliin ang unawa kaysa sa pilak.+
17 Ang landas ng mga matuwid ay palayo sa kasamaan.
Ang taong nagbabantay ng kaniyang lakad ay nagliligtas sa buhay niya.+
19 Mas mabuting maging mapagpakumbaba* kasama ng maaamo+
Kaysa makihati sa samsam ng mga mapagmataas.
20 Ang gumagamit ng unawa sa pagtingin sa isang bagay ay magtatagumpay,*
At maligaya ang nagtitiwala kay Jehova.
22 Ang kaunawaan ay bukal ng buhay sa mga mayroon nito,
Pero ang mga mangmang ay dinidisiplina ng kanilang kamangmangan.
23 Ang puso ng marunong ay nagbibigay ng kaunawaan sa bibig niya+
At nagdaragdag ng panghihikayat sa pananalita niya.
24 Ang mabuting pananalita ay gaya ng tumutulong pulot-pukyutan,*
Matamis at nakapagpapagaling sa mga buto.+
26 Nagtatrabahong mabuti ang isang manggagawa sa kagustuhan niyang kumain;
27 Ang walang-kabuluhang tao ay naghuhukay ng masamang bagay;+
Gaya ng nakapapasong apoy ang pananalita niya.+
28 Ang mahilig gumawa ng gulo* ay nagpapasimula ng pagtatalo,+
At pinaglalayo ng maninirang-puri ang malalapít na magkakaibigan.+
29 Hinihikayat ng taong marahas ang kapuwa niya
At inaakay ito sa maling daan.
30 Kumikindat siya habang nagpaplano ng masama.
Kinakagat niya ang mga labi niya habang isinasagawa ang masama niyang balak.