Daniel
10 Nang ikatlong taon ni Haring Ciro+ ng Persia, may isiniwalat kay Daniel na tinatawag ding Beltesasar;+ at totoo ang mensahe, at tungkol ito sa isang malaking labanan. Naintindihan niya ang mensahe, at naipaliwanag sa kaniya ang nakita niya.
2 Nang mga panahong iyon, akong si Daniel ay tatlong linggo nang nagdadalamhati.+ 3 Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, at walang karne o alak na pumasok sa bibig ko, at hindi ako nagpahid ng langis sa katawan ko sa loob ng tatlong buong linggo. 4 Noong ika-24 na araw ng unang buwan, habang ako ay nasa pampang ng malaking ilog, ang Tigris,*+ 5 may nakita akong isang lalaking nakasuot ng lino+ at ng sinturong yari sa ginto ng Upaz. 6 Ang katawan niya ay gaya ng crisolito,*+ ang mukha niya ay kasinliwanag ng kidlat, ang mga mata niya ay gaya ng nagliliyab na mga sulo, ang mga bisig niya at paa ay gaya ng pinakintab na tanso,+ at ang tinig niya ay napakalakas, na parang tinig ng maraming tao. 7 Akong si Daniel lang ang nakakita sa pangitain; hindi iyon nakita ng mga lalaking kasama ko.+ Pero bigla silang nanginig sa takot, at nagtatakbo sila at nagtago.
8 Naiwan akong mag-isa, at nang makita ko ang kamangha-manghang pangitaing ito, naubos ang lakas ko at namutla nang husto ang mukha ko at nanlupaypay ako.+ 9 Pagkatapos, narinig ko siyang nagsasalita; pero habang naririnig ko siyang nagsasalita, nakatulog ako nang mahimbing na nakasubsob sa lupa.+ 10 Pero may humawak sa akin,+ at ginising niya ako at inalalayan para makaluhod. 11 At sinabi niya:
“O Daniel, ikaw na talagang kalugod-lugod,*+ bigyang-pansin mo ang sasabihin ko sa iyo. Tumayo ka dahil isinugo ako sa iyo.”
Nang sabihin niya ito, tumayo akong nangangatog.
12 Sinabi pa niya: “Huwag kang matakot,+ O Daniel. Pinakinggan ang panalangin mo mula nang unang araw na itinuon mo ang puso mo sa pag-unawa at sa pagpapakumbaba sa harap ng iyong Diyos, at pinuntahan kita dahil sa panalangin mo.+ 13 Pero hinarangan ako ng prinsipe+ ng kaharian ng Persia sa loob ng 21 araw. Pero dumating si Miguel,*+ na isa sa mga pangunahing prinsipe,* para tulungan ako; at nanatili ako roon sa tabi ng mga hari ng Persia. 14 Pinuntahan kita para ipaunawa sa iyo ang mangyayari sa iyong bayan sa huling bahagi ng mga araw,+ dahil ang pangitaing iyon ay tungkol sa hinaharap.”+
15 Pagkasabi niya nito, yumuko ako at hindi nakapagsalita. 16 At may isang tulad ng tao na humipo sa mga labi ko,+ at ibinuka ko ang bibig ko at sinabi sa nakatayo sa harap ko: “Panginoon ko, nanginginig ako dahil sa pangitain, at wala akong lakas.+ 17 Kaya paano magagawa ng iyong lingkod na makipag-usap sa iyo, panginoon ko?+ Wala akong lakas, at hindi ako makahinga.”+
18 Hinawakan ulit ako ng isang iyon na tulad ng tao at pinalakas ako.+ 19 Sinabi niya: “Huwag kang matakot,+ O ikaw na talagang kalugod-lugod.*+ Sumaiyo nawa ang kapayapaan.+ Magpakatatag ka, oo, magpakatatag ka.” Habang kinakausap niya ako, lumakas ako at sinabi ko: “Magsalita ka panginoon ko, dahil napalakas mo ako.”
20 Sinabi niya: “Alam mo ba kung bakit kita pinuntahan? Aalis ako ngayon para makipaglaban ulit sa prinsipe ng Persia.+ Pagkaalis ko, darating ang prinsipe ng Gresya. 21 Pero sasabihin ko sa iyo ang mga nakasulat sa aklat ng katotohanan. Walang ibang sumusuporta sa akin sa mga bagay na ito maliban kay Miguel,+ ang prinsipe ninyo.+