Daniel
10 Nang ikatlong taon ni Ciro+ na hari ng Persia ay may isang bagay na isiniwalat kay Daniel, na ang pangalan ay tinatawag na Beltesasar;+ at ang bagay ay totoo, at nagkaroon ng isang malaking paglilingkod militar.+ At naunawaan niya ang bagay, at nagkaroon siya ng pagkaunawa sa bagay na nakita.+
2 Nang mga araw na iyon, ako ngang si Daniel ay nagdadalamhati+ nang tatlong buong sanlinggo. 3 Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, at walang karne o alak na pumasok sa aking bibig, at hindi man lamang ako naglangis ng aking sarili hanggang sa matapos ang tatlong buong sanlinggo.+ 4 At noong ikadalawampu’t apat na araw ng unang buwan, habang ako ay nasa pampang ng malaking ilog, na siyang Hidekel,+ 5 itinaas ko rin ang aking mga mata at tumingin, at narito ang isang lalaking nadaramtan ng lino,+ na ang kaniyang mga balakang+ ay nabibigkisan ng ginto ng Upaz.+ 6 At ang kaniyang katawan ay gaya ng crisolito,+ at ang kaniyang mukha ay gaya ng anyo ng kidlat,+ at ang kaniyang mga mata ay gaya ng maaapoy na sulo,+ at ang kaniyang mga bisig at ang dako ng kaniyang mga paa ay gaya ng hitsura ng pinakinang na tanso,+ at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang pulutong. 7 At nakita ko, akong si Daniel lamang, ang kaanyuan; ngunit kung tungkol sa mga lalaking kasama ko, hindi nila nakita ang kaanyuan.+ Gayunman, isang matinding panginginig ang sumapit sa kanila, anupat tumakas sila upang magtago.
8 At ako—ako ay naiwang mag-isa, anupat nakita ko ang malaking kaanyuang ito. At walang lakas na naiwan sa akin, at ang aking dangal ay nabago sa akin sa ikapapahamak, at wala nang lakas na nanatili sa akin.+ 9 At narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; at habang naririnig ko ang tinig ng kaniyang mga salita, ako rin ay natutulog nang mahimbing+ na pasubsob ang aking mukha, at nakasubsob ang aking mukha sa lupa.+ 10 At, narito! may isang kamay na humipo sa akin,+ at unti-unti akong kinilos nito upang bumangon sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay. 11 At sinabi niya sa akin:
“O Daniel, ikaw na lubhang kalugud-lugod na lalaki,+ magkaroon ka ng unawa sa mga salita na sinasalita ko sa iyo,+ at tumayo ka sa kinatayuan mo, sapagkat ngayon ay isinugo ako sa iyo.”
At nang makipag-usap siya sa akin sa salitang ito, ako ay tumayo, na nangangatog.
12 At sinabi niya sa akin: “Huwag kang matakot,+ O Daniel, sapagkat mula nang unang araw na ilagak mo ang iyong puso sa pagkaunawa+ at sa pagpapakumbaba sa harap ng iyong Diyos+ ay dininig na ang iyong mga salita, at ako mismo ay pumarito dahil sa iyong mga salita.+ 13 Ngunit ang prinsipe+ ng kaharian ng Persia+ ay nakatayong sumasalansang+ sa akin sa loob ng dalawampu’t isang araw, at, narito! si Miguel,+ na isa sa mga pangunahing prinsipe,+ ay dumating upang tulungan ako; at ako, sa ganang akin, ay nanatili roon sa tabi ng mga hari ng Persia.+ 14 At ako ay pumarito upang ipaunawa sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan+ sa huling bahagi ng mga araw,+ sapagkat iyon ay isang pangitain+ na ukol pa sa mga araw na darating.”+
15 At nang makipag-usap siya sa akin sa mga salitang gaya nito, itinungo ko ang aking mukha sa lupa+ at hindi ako nakapagsalita. 16 At, narito! isang gaya ng wangis ng mga anak ng sangkatauhan ang humipo sa aking mga labi,+ at ako ay nagbuka ng aking bibig at nagsalita+ at nagsabi sa isa na nakatayo sa harap ko: “O panginoon ko,+ dahil sa kaanyuan ay bigla akong dinatnan ng mga pangingisay sa loob ko, at walang lakas na nanatili sa akin.+ 17 Kaya paano nagawa ng lingkod ng panginoon kong ito ang makipag-usap sa panginoon kong ito?+ At kung tungkol sa akin, hanggang sa ngayon ay wala pang lakas na nanunumbalik sa akin, at walang hininga ang naiwan sa akin.”+
18 At hinipo akong muli ng isang iyon na may anyong gaya ng makalupang tao at pinalakas ako.+ 19 Pagkatapos ay sinabi niya: “Huwag kang matakot,+ O lubhang kalugud-lugod na lalaki.+ Sumaiyo nawa ang kapayapaan.+ Magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka.”+ At nang makipag-usap siya sa akin ay ginamit ko ang aking buong lakas at pagkatapos ay sinabi ko: “Magsalita nawa ang aking panginoon,+ sapagkat pinalakas mo ako.”+ 20 Kaya sinabi niya:
“Alam mo bang talaga kung bakit ako pumarito sa iyo? At ngayon ay babalik ako upang makipaglaban sa prinsipe ng Persia.+ Kapag ako ay humayo, narito! ang prinsipe rin ng Gresya ay darating.+ 21 Gayunman, sasabihin ko sa iyo ang mga bagay na nakatala sa sulat ng katotohanan,+ at walang sinumang matatag na tumutulong sa akin sa mga bagay na ito maliban kay Miguel,+ na prinsipe ninyo.+