Ayon kay Mateo
3 Nang mga araw na iyon, si Juan+ Bautista ay dumating sa ilang ng Judea at nangaral.+ 2 Sinasabi niya: “Magsisi kayo dahil ang Kaharian ng langit ay malapit na.”+ 3 Ang totoo, siya ang tinutukoy ng propetang si Isaias+ nang sabihin nito: “May sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang dadaanan ni Jehova! Patagin ninyo ang lalakaran niya.’”+ 4 Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at may sinturon siyang gawa sa balat ng hayop.+ Ang pagkain naman niya ay balang+ at pulot-pukyutang galing sa gubat.+ 5 Pumupunta sa kaniya ang mga taga-Jerusalem at ang mga tao sa buong Judea at sa buong lupain sa palibot ng Jordan.+ 6 Binabautismuhan niya sa Ilog Jordan+ ang mga ito, na hayagang nagtatapat ng kanilang mga kasalanan.
7 Nang makita niyang dumarating ang marami sa mga Pariseo+ at mga Saduceo,+ sinabi niya sa mga ito: “Kayong mga anak ng ulupong,+ sino ang nagsabi sa inyo na makaliligtas kayo sa dumarating na pagpuksa?+ 8 Ipakita muna ninyo na talagang nagsisisi kayo. 9 Huwag ninyong isipin, ‘Ama namin si Abraham.’+ Dahil sinasabi ko sa inyo na kaya ng Diyos na lumikha ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito. 10 Nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga puno. At bawat puno na hindi maganda ang bunga ay puputulin at ihahagis sa apoy.+ 11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig dahil nagsisisi kayo.+ Pero ang dumarating na kasunod ko+ ay mas malakas kaysa sa akin, at hindi man lang ako karapat-dapat na mag-alis ng sandalyas niya.+ Ang isang iyon ay magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng banal na espiritu+ at ng apoy.+ 12 Hawak niya ang kaniyang palang pantahip, at lilinisin niyang mabuti ang giikan niya at titipunin sa kamalig* ang kaniyang trigo, pero ang ipa ay susunugin niya sa apoy+ na hindi mapapatay.”
13 Pagkatapos, mula sa Galilea ay dumating si Jesus sa Jordan para magpabautismo kay Juan.+ 14 Pero sinubukan siyang pigilan ni Juan. Sinabi nito: “Ako ang dapat magpabautismo sa iyo. Bakit ka nagpapabautismo sa akin?” 15 Sumagot si Jesus: “Hayaan mong ito ang mangyari ngayon para magawa natin ang lahat ng iniutos ng Diyos.” Kaya hindi na siya pinigilan ni Juan. 16 Pagkatapos mabautismuhan, umahon agad si Jesus sa tubig; at ang langit ay nabuksan!+ At nakita ni Juan ang espiritu ng Diyos na parang kalapati na bumababa kay Jesus.+ 17 May tinig din mula sa langit+ na nagsabi: “Ito ang Anak ko,+ ang minamahal ko at kinalulugdan.”+