Jeremias
8 “Sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova, “ang mga buto ng mga hari ng Juda, ang mga buto ng matataas na opisyal nito, ang mga buto ng mga saserdote, ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga taga-Jerusalem ay kukunin mula sa libingan nila. 2 Ilalantad ang mga iyon sa araw at sa buwan at sa buong hukbo ng langit na inibig nila at pinaglingkuran at sinundan at hinanap at niyukuran.+ Hindi titipunin ang mga iyon o ililibing man. Ang mga iyon ay magiging gaya ng dumi sa ibabaw ng lupa.”+
3 “At mas gugustuhin pang mamatay kaysa mabuhay ng mga natira sa masamang pamilyang ito na pinangalat ko sa iba’t ibang lugar,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
4 “At sabihin mo sa kanila, ‘Ito ang sinabi ni Jehova:
“Mabubuwal ba sila at hindi na muling makababangon?
Kapag may isang nanumbalik, hindi ba uurong din ang isa pa sa gagawin niya?
5 Bakit ba ang bayang ito, ang Jerusalem, ay palaging nagtataksil sa akin?
Ayaw nilang tumigil sa pandaraya;
Ayaw nilang manumbalik.+
6 Nagbigay-pansin ako at patuloy na nakinig, pero hindi tama ang sinasabi nila.
Walang isa man ang nagsisi sa kasamaan niya o nagtanong, ‘Ano ba itong nagawa ko?’+
Ang bawat isa ay bumabalik sa landasin ng karamihan, gaya ng kabayong sumusugod sa labanan.
7 Kahit ang siguana* sa langit ay nakaaalam ng mga panahon* niya;
Sinusunod ng batubato at ng sibad at ng tarat* ang panahon ng kanilang pagbabalik.*
Pero hindi nauunawaan ng sarili kong bayan ang kahatulan ni Jehova.”’+
8 ‘Paano ninyo masasabi: “Matatalino kami, at nasa amin ang kautusan* ni Jehova”?
Ang totoo, ang sinungaling* na panulat+ ng mga eskriba* ay ginamit lang sa kasinungalingan.
9 Ang matatalino ay nalagay sa kahihiyan.+
Nasindak sila at mahuhuli sila.
Itinakwil nila ang salita ni Jehova,
Kaya anong karunungan ang mayroon sila?
10 Kaya ibibigay ko ang mga asawa nila sa ibang lalaki,
Ang mga bukid nila sa ibang tao;+
Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+
Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+
11 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing
“May kapayapaan! May kapayapaan!”
Kahit wala namang kapayapaan.+
12 Nahihiya ba sila sa kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa nila?
Hindi sila nahihiya!
Hindi nga nila alam kung paano mahiya!+
Kaya babagsak sila gaya ng mga bumagsak na.
Mabubuwal sila kapag pinarusahan ko sila,’+ ang sabi ni Jehova.
13 ‘Kapag tinipon ko sila, dadalhin ko sila sa kanilang wakas,’ ang sabi ni Jehova.
‘Walang matitirang ubas sa punong ubas, walang matitirang igos sa puno ng igos, at malalanta ang mga dahon.
At ang mga ibinigay ko sa kanila ay mawawala sa kanila.’”
14 “Bakit tayo nakaupo rito?
Magtipon tayo at pumasok sa mga napapaderang* lunsod+ para doon tayo mamatay.
Dahil pupuksain tayo ni Jehova na ating Diyos,
At binibigyan niya tayo ng tubig na may lason para inumin,+
Dahil nagkasala tayo kay Jehova.
15 Naghintay tayo ng kapayapaan, pero walang dumating na mabuti,
Ng panahon ng pagpapagaling, pero takot ang nararamdaman natin!+
16 Mula sa Dan ay narinig ang pagsinghal ng mga kabayo niya.
Dahil sa halinghing ng kaniyang mga barakong kabayo
Ay yumanig ang buong lupain.
Dumarating sila at nilalamon ang lupain at ang lahat ng naroon,
Ang lunsod at ang mga nakatira doon.”
17 “Dahil magsusugo ako sa inyo ng mga ahas,
Ng makamandag na mga ahas, na hindi mapaaamo ng engkantador,
At tiyak na tutuklawin kayo ng mga ito,” ang sabi ni Jehova.
18 Walang lunas ang kalungkutan ko;
Nanghihina ang puso ko.
19 Mula sa isang malayong lupain ay humihingi ng tulong
Ang anak na babae ng bayan ko:
“Wala ba si Jehova sa Sion?
O wala ba roon ang hari niya?”
“Bakit nila ako ginalit sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen,
Ng walang-silbing mga diyos ng mga banyaga?”
20 “Natapos na ang pag-aani, nagwakas na ang tag-araw,
Pero hindi tayo naligtas!”
Nabalot ako ng takot.
22 Wala bang balsamo* sa Gilead?+
O wala bang tagapagpagaling* doon?+
Bakit hindi pa gumagaling ang anak na babae ng bayan ko?+