Mga Kawikaan
2 Hindi mabuti para sa isang tao na wala siyang alam,+
At ang kumikilos nang padalos-dalos* ay nagkakasala.
3 Ang sariling kamangmangan ng tao ang nagliligaw sa kaniya,
At ang puso niya ay nagagalit kay Jehova.
4 Ang kayamanan ay umaakit ng maraming kaibigan,
Pero ang mahirap ay iniiwan kahit ng kaibigan niya.+
5 Tiyak na mapaparusahan ang sinungaling na testigo,+
At hindi makatatakas ang laging nagsisinungaling.+
6 Marami ang naghahangad ng pabor ng prominenteng tao,*
At ang lahat ay kaibigan ng taong nagreregalo.
7 Ang dukha ay kinapopootan ng lahat ng kapatid niya;+
Lalo nang kaya siyang itakwil ng mga kaibigan niya!+
Lumalapit siya sa kanila at nakikiusap, pero walang sumasagot.
8 Ang nagsisikap magkaroon ng unawa* ay nagmamahal sa sarili niya.+
Ang nagpapahalaga sa kaunawaan ay magtatagumpay.*+
10 Hindi bagay sa isang mangmang na mamuhay nang marangya,
At lalong hindi bagay sa isang lingkod na mamahala sa mga prinsipe!+
11 Ang kaunawaan ng tao ang pumipigil sa kaniya na magalit agad,+
At nagiging kapuri-puri siya kapag pinalalampas niya ang pagkakamali.*+
12 Ang galit ng hari ay gaya ng pag-ungal ng leon,+
Pero ang pagsang-ayon niya ay gaya ng hamog sa pananim.
13 Ang mangmang na anak ay nagbibigay ng problema sa kaniyang ama,+
At ang asawang babae na mahilig makipagtalo* ay gaya ng bubong na laging tumutulo.+
14 Ang bahay at yaman ay mana mula sa mga ama,
Pero ang marunong na asawang babae ay mula kay Jehova.+
16 Ang sumusunod sa utos ay nag-iingat ng buhay niya;+
Ang nagwawalang-bahala sa paraan ng pamumuhay niya ay mamamatay.+
22 Nagiging kaakit-akit ang isang tao dahil sa tapat na pag-ibig niya;+
At mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.
23 Ang pagkatakot kay Jehova ay umaakay sa buhay;+
Ang mayroon nito ay makapagpapahinga nang panatag at ligtas.+
24 Ang kamay ng tamad ay dumadampot ng pagkain sa mangkok,
Pero hindi man lang niya ito maisubo sa bibig niya.+
25 Saktan mo ang manunuya+ para maging marunong ang walang karanasan,+
At sawayin mo ang may unawa para madagdagan ang kaalaman niya.+
26 Ang anak na malupit sa kaniyang ama at nagtataboy sa kaniyang ina
Ay kahiya-hiya at kadusta-dusta.+