Ang Awit ni Solomon
1 Ang awit ng mga awit,* na kay Solomon:+
2 “Halikan niya nawa ako ng mga halik ng kaniyang labi,
Dahil ang mga kapahayagan mo ng pagmamahal ay mas mabuti kaysa sa alak.+
3 Mabango ang iyong mga langis.+
Ang iyong pangalan ay gaya ng mabangong langis na ibinubuhos.+
Kaya naman iniibig ka ng mga dalaga.
4 Isama mo ako;* tumakbo tayo.
Dinala ako ng hari sa mga silid niya!
Magalak tayo at magsaya.
Itanghal* natin ang iyong mga kapahayagan ng pagmamahal nang higit kaysa sa alak.
Hindi kataka-takang mahalin ka nila.*
5 Maitim ako, pero maganda, O mga anak na babae ng Jerusalem,
Gaya ng mga tolda ng Kedar,+ gaya ng mga telang pantolda+ ni Solomon.
6 Huwag ninyo akong tingnan dahil maitim ako;
Nasunog kasi ako sa araw.
Nagalit sa akin ang mga kapatid kong lalaki;
Ginawa nila akong tagapag-alaga ng mga ubasan,
Samantalang hindi ko naaalagaan ang sarili kong ubasan.
7 Sabihin mo sa akin, ikaw na mahal na mahal ko,
Kung saan mo pinapastulan ang iyong kawan,+
Kung saan mo ito pinahihiga sa katanghaliang-tapat.
Bakit ba ako magiging gaya ng babaeng nakabelo*
Sa gitna ng mga kawan ng iyong mga kasamahan?”
8 “Kung hindi mo alam, O pinakamaganda sa mga babae,
Sundan mo ang bakas ng kawan
At pastulan mo ang iyong mga batang kambing sa tabi ng mga tolda ng mga pastol.”
9 “Ihahambing kita, mahal ko, sa babaeng kabayo ng* mga karwahe* ng Paraon.+
13 Ang sinta ko ay gaya ng isang supot ng mabangong mira+ para sa akin,
Na nagpapalipas ng gabi sa aking dibdib.
14 Ang sinta ko ay gaya ng isang kumpol ng henna*+ para sa akin,
Sa gitna ng mga ubasan ng En-gedi.”+
15 “Napakaganda mo, mahal ko.
Napakaganda mo. Ang iyong mga mata ay gaya ng sa mga kalapati.”+
16 “Napakaguwapo mo, sinta ko, at kaibig-ibig ka.+
Ang higaan natin ay ang damuhan.