Job
2 Pakinggan ninyong mabuti ang dagundong ng tinig niya
At ang kulog na lumalabas sa bibig niya.
3 Inilalabas niya ito sa silong ng buong langit,
At nagpapakidlat siya+ hanggang sa mga dulo ng lupa.
4 Pagkatapos, may maririnig na dumadagundong na tunog;
Ang kamangha-mangha niyang tinig ay parang kulog,+
At tuloy-tuloy pa rin ang pagkidlat habang nagsasalita siya.
5 Kamangha-mangha ang pagdagundong ng tinig ng Diyos;+
Gumagawa siya ng kahanga-hangang mga bagay na hindi abót ng isip natin.+
6 Dahil sinasabi niya sa niyebe, ‘Mahulog ka sa lupa,’+
At sa ulan, ‘Bumuhos ka nang malakas.’+
8 Pumapasok sa lungga ang mababangis na hayop
At nananatili roon.
11 Oo, pinabibigat niya ng mga patak ng tubig ang mga ulap;
Ikinakalat niya sa mga ulap ang kaniyang kidlat;+
12 Nagpapaikot-ikot ang mga ito saanman niya papuntahin;
Sinusunod ng mga ito anuman ang iutos niya+ sa ibabaw* ng lupa.
13 Sa ganitong paraan, nakapagpaparusa siya,+ nadidiligan ang lupain,
At nakapagpapakita siya ng tapat na pag-ibig.+
14 Pakinggan mo ito, Job;
Huminto ka sandali at pag-isipan mong mabuti ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos.+
15 Alam mo ba kung paano kinokontrol* ng Diyos ang mga ulap
At kung paano siya nagpapakidlat mula sa kaniyang ulap?
16 Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap?+
Ito ang kamangha-manghang mga gawa ng Isa na nakaaalam ng lahat ng bagay.+
19 Sabihin mo sa amin ang dapat naming sabihin sa kaniya;
Hindi kami makasagot dahil nasa dilim kami.
20 Dapat bang sabihin sa kaniya na may gusto akong ipaalám sa kaniya?
O may sinabi ba ang sinuman na dapat pang iparating sa kaniya?+
21 Hindi man lang nila makita ang liwanag*
Kahit pa maaliwalas ang langit,
Maliban kung may dumaang hangin at hawiin ang mga ulap.
22 Sa hilaga nagmumula ang gintong sinag;
Ang kaluwalhatian ng Diyos+ ay kamangha-mangha.
23 Hindi natin kayang unawain ang lahat ng bagay tungkol sa Makapangyarihan-sa-Lahat;+
Napakalakas ng kapangyarihan niya,+
At hinding-hindi niya lalabagin ang kaniyang katarungan+ at saganang katuwiran.*+
24 Kaya dapat matakot sa kaniya ang mga tao.+
Dahil hindi siya nalulugod sa mga nag-iisip na matalino* sila.”+