ENERO 22-28
JOB 38-39
Awit Blg. 11 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Naglalaan Ka Ba ng Panahon Para Obserbahan ang mga Nilalang?
(10 min.)
Matapos lalangin ang lupa, naglaan ng panahon si Jehova para pagmasdan ito (Gen 1:10, 12; Job 38:5, 6; w21.08 9 ¶7)
Naglaan ng panahon ang mga anghel para obserbahan ang mga nilalang ni Jehova (Job 38:7; w20.08 14 ¶2)
Kapag naglaan tayo ng panahon para obserbahan at pahalagahan ang mga nilalang, titibay ang pagtitiwala natin kay Jehova (Job 38:32-35; w23.03 17 ¶8)
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
Job 38:8-10—Ano ang matututuhan natin sa mga tekstong ito tungkol kay Jehova bilang ang Tagapagbigay-Batas? (it-2 1223)
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Job 39:1-22 (th aralin 5)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Mabait na tapusin ang pag-uusap kapag nakita mong ayaw niyang makipag-usap. (lmd aralin 2: #3)
5. Pagdalaw-Muli
(5 min.) BAHAY-BAHAY. Sa huli ninyong pag-uusap, sinabi niya na kamamatay lang ng isa niyang mahal sa buhay. (lmd aralin 9: #3)
6. Pahayag
(5 min.) lmd apendise A: #1—Tema: Makikita sa mga Nangyayari Ngayon at sa Ugali ng mga Tao na Malapit Nang Magkaroon ng Pagbabago. (th aralin 16)
Awit Blg. 111
7. Makakapagpokus Tayo sa Pinakamahalagang Bagay Kapag Inobserbahan Natin ang mga Nilalang
(15 min.) Pagtalakay.
Noong puntiryahin si Job ng tatlong kasama niya at ni Satanas, wala na siyang ibang naisip kundi ang mga problema niya at ang pang-aapi nila sa kaniya.
Basahin ang Job 37:14. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang kinailangang gawin ni Job para muling lumakas sa espirituwal?
Kapag parang patong-patong na ang mga problema natin, obserbahan natin ang mga nilalang. Makakatulong iyan para maalala natin ang kadakilaan ni Jehova, maging mas determinado tayong manatiling tapat sa kaniya, at lalong magtiwala na hindi niya tayo pababayaan.—Mat 6:26.
I-play ang VIDEO na Mga Aral Mula sa Aklat ng Job—Mga Nilalang na Hayop. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Paano napatibay ng video ang pagtitiwala mo kay Jehova?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 4 ¶13-20